• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di pa rin nagpa-follow back sa IG account nila: TOM, balitang muling nanliligaw kay CARLA kaya posibleng magkabalikan

MARAMING netizens at fans ng Kapuso couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang naghihintay pa rin kung ano ang totoo sa pananahimik nilang dalawa sa issue na naghiwalay na sila. 

 

 

Ayaw na ba nila talagang buksan or i-follow ang kani-kanilang Instagram accounts para naman malaman ng fans nila kung may aasahan pa sila sa kanilang mga idolo?

 

 

Latest news, magkahiwalay na sila ng tirahan, pero muli raw nanliligaw si Tom kay Carla. At mukha raw namang nag-i-enjoy si Carla na muli siyang nililigawan ng asawa, kaya dasal ng mga fans nila, sana ay totoo na at one day, may magandang balita na sila na nagkabalikan na silang dalawa.

 

 

Mukhang ginagawang busy ni Tom ang sarili sa pagtanggap ng mga shows sa GMA, may magandang voice si Tom, three Sundays na siyang napapanood sa All-Out Sundays.

 

 

Wala pang bagong teleserye sa network, kaya si Tom ang bibida sa fresh episode ng Magpakailanman sa “Lies and Secrets: The Julio Millet Bocauto Story,” a touching story of a teacher na naghirap sa kulungan dahil napagbintangan ng hindi totoo sa isang krimeng hindi niya ginawa.

 

 

Makakasama ni Tom sa cast sina Bryce Eusebio, Faye Lorenzo, Shamaine Buencamino, Maritess Joaquin, at Dentrix Ponce.

 

 

Sa direksyon ni Adolf Alix, mapapanood ito ngayong Sabado, 8:00 PM, pagkatapos ng Agimat ng Agila.

 

 

***

 

 

PARE-PAREHONG mga artista ang pamilya nina Zoren Legaspi, Carmina Villarroel at ng kambal nilang sina Mavy at Cassy, kaya nakakaranas din sila ng lungkot kapag pare-pareho silang may mga projects, dahil nga lahat ay lock-in ang tapings nila.

 

 

Nauna nga sina Zoren at Carmina na nag-lock-in taping ng Stories From the Heart: The End of Us, na naiwanan nila ang kambal.

 

 

Nang makabalik na sila, sumunod namang pumasok sa bubble taping si Mavy na umalis for Sorsogon in Bicol, para sa I Left My Heart in Sorsogon. 

 

 

Hindi pa tapos si Mavy, sumunod nang pumasok si Cassy para sa first set of lock-in taping nila ng romantic-drama series na First Lady in La Union.

 

 

Nang makabalik na si Mavy from Sorsogon, pumasok na muli si Carmina sa bagong series niya, ang Widows Web.  At noong last week of January, bumalik na muli si Cassy para sa second set ng lock-in taping nila ng First Lady, na tatagal pa hanggang sa March 30.

 

 

Nakalabas na si Carmina sa bubble taping ng Widows Web na maglalaban sila sa acting nina Vaness del Moral, Ashley Ortega at Pauline Mendoza, ang apat na babaeng handang lumaban para sa pag-ibig at katotohanan.

 

 

Makakasama rin nila sina Ryan Eigenmann, Adrian Alandy, Bernard Palanca, Christian Vazquez at EA de Guzman. 

 

 

Malapit na itong mapanood sa GMA-7, simula sa February 28, 8:50 PM, papalitan nila ang Mano Po Legacy: The Family Fortune na magtatapos sa February 25.

 

 

***

 

 

MASAYANG-MASAYA ang buong cast ng First Lady na pinangungunahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, dahil simula ng world premiere nito noong Monday, February 14, ay nanguna ito sa rating game, Monday nakakuha ito ng 14.4 percent vs. 10.1 ng FPJ Ang Probinsyano, at sa sumunod na gabi, last Tuesday, nakakuha naman ito ng higher rating na 14.8 percent vs. 10.6 ng FPJAP.

 

 

Happy ang netizens dahil ang sipag-sipag daw ni Gabby na mag-post ng mga behind the scenes photos tulad ng mga kulitan nila ng cast sa set, ay makikita sa Instagram post niya.

 

 

Kaya don’t miss, gabi-gabing panoorin ang First Yaya after ng 24 Oras.

 

 

***

 

 

PATULOY pa rin ng pamimigay ng ayuda ang actress na si Gretchen Barretto. 

 

 

Nakailang beses na siyang namigay ng ayuda sa mga taga-showbiz, pero ngayon, mga nasunugan naman sa Brgy. Paligsahan sa Quezon City ang tinulungan niya.

 

 

May 300 pamilya ang pinahatiran niya ng tulong. Makikita ang pamimigay ng tulong ni Gretchen ng love box na naglalaman ng groceries at isang sakong bigas sa kanyang Instagram account.

 

 

Hindi nagsasawang tumulong si Gretchen sa iba’t ibang sector ng lipunan na nangangailangan. Kaya pasasalamat ang ipinaabot ng mga natutulungan niya sa lahat ng pagkakataon.

 

 

God bless you.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • NBI PASOK SA IMBESTIGASYON SA ABOGADO SA COTABATO

    MAGSASAGAWA na rin ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pagpatay sa isang abodago sa South Cotabato na si Juan Macababbad.       Ito ay matapos ipag-utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra nitong Lunes sa pamamagitan ng Department Order No. 222 kay  NBI Officer-In-Charge Eric Distor  na magsagawa ng imbestigasyon at […]

  • COMMUNITY QUARANTINE IPATUTUPAD SA BUONG METRO MANILA

    INIANUNSYO kagabi , Marso 12 ni Pangulong Rodrigo Duterte na itinaas na sa Code Red Sub-Level 2 ang Code Alert System sa buong bansa kaugnay sa COVID-19.   Sa kanyang public address matapos ang Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa Malacañang, inaprubahan at binasa ng Pangulo ang reso-lusyon na community quarantine […]

  • Nakaabot naman sa Top 10 si Michelle: SHEYNNIS PALACIOS, kauna-unahang Miss Universe na mula sa Nicaragua

    MISS Universe 2023 made history dahil sa unang pagkakataon na manalo ng beauty queen from Nicaragua na si Sheynnis Palacios.       Ginanap ang 72nd Miss Universe coronation ceremonies sa Jose Adolfo Pineda Arena in San Salvador, El Salvador.       Kinabog ni Palacios ang 84 other candidates sa simula pa lang ng […]