DOH pinag-iingat ang publiko vs pekeng contact tracers ng COVID-19
- Published on August 13, 2020
- by @peoplesbalita
Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga nagpapanggap na miyembro ng contact tracing team ng ahensya para sa close contacts ng COVID-19 cases.
Sa isang advisory sinabi ng kagawaran na nakatanggap sila ng mga ulat ukol sa ilang nagpakilalang contact tracers na nanghingi ng personal na impormasyon at pera sa mga biktima.
“We have received reports of citizens getting calls from certain individuals misrepresenting themselves as members of the DOH Contact Tracing Team.”
“The public is advised to be vigilant and not entertain these calls. Do not put your security at risk.”
Inakyat na raw ang DOH sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation ang ulat para masimulan na rin ang imbestigasyon.
Kinondena ng Health department ang mga nasa likod ng pagpapanggap bilang contact tracing team. Tiniyak ng ahensya na kakasuhan nila ang mga ito kapag napatunayan ang mga akusasyon.
Nilinaw ng DOH na walang contact tracing team ang kagawaran. Kaya kung may kakatok o magpapakilala na miyembro ng LGU contact tracing team sa bawat bahay ay dapat masigurong may endorso sila mula sa Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs).
Paalala rin ng ahensya na huwag magbibigay ng personal na impormasyon kapag nakatanggap ng kahina-hinalang tawag; i-save ang numero ng tumawag at agad i-report sa hotline ng DOH.
-
HEALTH PROTOCOL SA FIBA, WALA PA
WALA pa umanong nakikitang protocol ang Department of Health (DOH) para maging katulad ng PBA bubble ang set up ng International Basketball Federation (FIBA) qualifiers. Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa virtual media forum, kailangan pa itong pag-usapan kasama ng ilang ahensya. Ayon pa kay Vergeire, dati na aniyang […]
-
Magbibitiw sa puwesto dahil nagsasawa ng labanan at tuldukan ang korapsyon sa burukrasya
INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagpahayag siya na gusto na niyang magbitiw sa puwesto dahil sa pagkadismaya at pagkabigo dahil sa hirap na maalis ang korapsyon sa gobyerno. Sa kanyang public address, Lunes ng gabi ay inamin ng Pangulo na nakararanas siya ng matinding hirap para labanan ang korapsyon sa burukrasya. Aniya, […]
-
Balitang-balita na ang plano sa Maynila: ISKO, wala nang balak mag-mayor at posibleng tumakbo si Sen. IMEE
WALA na raw balak na puntiryahin ni dating Manila Mayor, aktor at TV host Isko Moreno ang pagiging alkalde ng Maynila. Kaya malakas ang ugong na si Sen. Imee Marcos daw ang makakalaban ng kasalukuyang Ina ng Maynila na si Mayor Honey Lacuna. Pero itinanggi naman ng isang malapit sa Senadora. But still, mukhang […]