DOH Sec. Herbosa, humingi ng tulong sa media para itaas ang kamalayan ng publiko ukol sa kahalagahan ng bakuna
- Published on September 19, 2024
- by @peoplesbalita
HUMINGI ng tulong si Health Secretary Teodoro Herbosa Jr. sa mga miyembro ng media na itaas ang kamalayan ng publiko hinggil sa kahalagahan ng bakuna.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ng Kalihim ang kahalagahan ng malawak na information drive para maturuan ang mga Filipino lalo na iyong mula sa mas mababang socioeconomic classes na nakikinig at naniniwala sa ‘rumors’ o tsismis na nakadaragdag sa pangamba o takot sa bakuna.
“He (Marcos) was asking for a massive campaign so I do hope matulungan niyo ang Department of Health in that aspect,” ayon kay Herbosa.
“Our lower socioeconomic classes, nakikinig sa rumor and then naniniwala sa rumor. So, we hope [to correct that] with valid information,” dagdag na wika nito.
Sa kabilang dako, ipatutupad naman na ng DOH “big catch-up plan”.
Layon nito na ibalik ang immunization rate ng bansa.
Tanggap kasi ni Herbosa ang pagkabigo ng DOH na makamit ang nilalayon na pagbabakuna sa 95% ng mga batang Filipino sa bansa.
Sinabi ni Herbosa na ang coronavirus disease 2019 pandemic ang dahilan ng pagkakaantala ng ‘immunization of vaccines’ sa mga batang pinoy.
“To date, only 71 percent of children nationwide are fully immunized,” ang sinabi ng Kalihim.
“We’re hoping every year, nakaka-95 percent tayo . Seventy-one lang ang nakukuha natin. With these two programs, ‘yung schools-based at saka big catch-up, we’re hoping to increase that by the end of the year by December,” aniya pa rin.
“Ganito iyan, after ma-catch up mo siya to 95 every year, may natitirang 5 percent so hinahabol namin ulit iyan. Every three years, nagkakaroon nang tinatawag na (It’s like this, after you catch up to 95 every year, there is a remaining 5 percent so we have to address the backlog. Every three years, there is a so-called) supplemental immunization activity,” lahad ng Kalihim.
Tinuran pa ni Herbosa na tutugunan din ng gobyerno ang ilang hamon sa pagbabakuna sa mga bata kabilang na ang ‘logistics at supply management.’
Target naman ni Herbosa ang mandatory submission ng vaccination data mula sa private pediatricians.
Sinabi pa nito na maaaring makatutulong ito para itaas ang bilang ng mga bakunadong bata ng 10%.
“Sa national immunization program, when we present data, hindi kasama yung data ng mga pediatrician sa private. Hindi ‘yun nirereport. So, we miss the data by 10 to 15 percent. So, I’m trying to find a way to make it mandatory or online para madali lang mareport yung ilang mga batang binakunahan niyo para maka-count namin. I’m sure our figures will increase by 10 percent,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
“Ngayon ang tamang panahon para mamuhunan sa Lalawigan ng Bulacan” – Fernando
“SA LAHAT ng mga malalaking development plans at business opportunities dito sa ating lalawigan, ipinagmamalaki kong sabihin sa inyo na ngayon ang tamang panahon para mamuhunan sa lalawigan ng Bulacan. Magkapit-bisig tayo upang maging sentro ng pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa ang Bulacan.” Ito ang mensahe ni Gobernador Daniel R. Fernando sa […]
-
DOTr, nilinaw na hindi privatization kundi concession agreement ang gagawin ng pamahalaan sa NAIA
CONCESSION agreement at hindi privatization ang planong gawin ng gobyerno sa bagong management contract ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ito ang nilinaw ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang plano ang pamahalaan na isapribado ang nasabing paliparan. Pagbibigay […]
-
‘Unahin vaccination rollout sa NCR’– experts
Inirekomenda ngayon ng OCTA Research group sa national government na bigyang prayoridad ang vaccination rollout ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR). Sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group ang NCR kasi ang ikinokonsidera ngayong sentro ng pandemic na nakakaapekto sa sitwasyon sa buong bansa. Aniya, […]