• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Dolomite beach’ binuksan sa publiko

Muling binuksan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko ang tinaguriang “dolomite beach” sa Baywalk sa Maynila kahapon ng umaga.

 

 

Gayunman, limitado ang kapasidad ng beach at nasa 120 katao lamang kada limang minuto ang pinapayagang mamasyal sa lugar.

 

 

Ayon sa DENR, mananatiling bukas ang dolomite beach sa publiko hanggang sa Martes, Hulyo 20.

 

 

Gayunman, limitado rin ang oras ng pagbubukas nito, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga at alas-3:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon.

 

 

Mahigpit din ang tagubilin ng mga awtoridad na tumalima ang mga bisita sa health protocols, gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield.

 

 

Istrikto rin ang pagbabantay ng mga tauhan ng DENR na nagpapaalala sa publikong sumunod sa mga panuntunan. Nagpuwesto sila ng magkaibang entrance at exit sa beach para hindi magsiksikan ang mga tao.

 

 

Naglagay rin ng mga karatula na nagsasabing bawal ang paglangoy, pagkain, paninigarilyo, pagkakalat ng basura at pagpulot ng buhangin sa beach. Mahigpit ding ipinagbabawal ang par­king sa gilid ng Roxas Boulevard.

 

 

Pinayagan namang makapasok maging ang mga senior citizen at mga menor-de-edad na may adult companion.

 

 

Anang DENR, matapos ang tatlong araw na public viewing ay ia-assess nila kung bubuksan muli ang artipisyal na white beach.

 

 

Target ng kagawagan na matapos ang second phase ng naturang proyekto sa Oktubre, 2021.

 

 

Samantala, nag-inspeksyon si Manila Police District (MPD) Director P/Brig. Gen. Leo Francisco sa Baywalk para masigurong natutupad ang mga health protocols. Nagpakalat din siya ng maraming pulis sa nasabing lugar. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • ZAMBOANGA VALIENTES HARI SA AUSTRALIA 3X3

    NAGSYUT ang Zamboanga Valientes ng Pilipinas ng 4-1 panalo-talong kartada sa loob lang ng isang araw para pagharian ang Open division ng Basketball Act 3×3 Christmas Street Hustle 2020 sa Belconnen 3×3 Outdoor Courts-42 Oatley sa Canberra, Australia nitong Sabado, Disyembre 12.   Ginimbal ng Chavacano dribblers ang niresbakang eliminations tormentor Black Buckets sa finals […]

  • PBBM, nagbabala ng panganib sa poultry, livestock; hinikayat ang publiko na maging bigilante

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nananatiling may panganib sa poultry at livestock sa kabila ng development sa bakuna laban sa animal viral diseases.     Ayon sa Pangulo, kailangang tingnan ng gobyerno ang usaping ito.     Sa pagsasalita ng Pangulo sa pagbubukas ng Livestock Philippines 2023, araw ng Miyerkules, Hulyo 5, binigyang […]

  • Onyok bibigyan ng Malacañang ng P500K

    Kung hindi pa siya nag­labas ng sama ng loob ay saka pa lamang maaaksyunan ang kanyang reklamo.     Bibigyan ng Office of the President  si 1996 Olympic Games silver medalist Mansueto ‘Onyok’ Velasco Jr. ng cash incentive na P500,000 para sa kanyang naibigay na karangalan sa bansa.     Si Senate Committee on Sports […]