DOTr nilinaw na walang budget para sa Libreng Sakay sa taong 2023
- Published on August 27, 2022
- by @peoplesbalita
NILINAW ni Transportation Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Marke Steven Pastor na hindi nakatanggap ng alokasyon sa 2023 budget ng ahensya ang pagpapatuloy ng programa ng Department of Transportation (DOTr) na magbigay ng libreng sakay sa mga commuter sa susunod na taon at magbigay ng insentibo sa mga driver at operator ng public utility vehicle (PUV).
Aniya, humiling ang ahensya ng P12 bilyon para sa service contracting program para sa taong 2023.
Sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP), ang DOTr ay may panukalang badyet na P171.1 bilyon para sa susunod na taon, mas mataas ng 120.4% mula sa P75.8 bilyon noong 2022.
Ang service contracting o “Libreng Sakay” program ay inisyatiba ng DOTr at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na inilunsad noong huling bahagi ng 2020 sa ilalim ng Republic Act No. 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act para matulungan ang mga commuter at mga sa sektor ng pampublikong sasakyan na apektado ng pandemya.
Sa ilalim ng service contracting program, ang mga operator at driver ng PUV na lumahok sa libreng ridership program ng gobyerno ay makakatanggap ng payout at lingguhang bayad batay sa bilang ng mga kilometrong binibiyahe kada linggo, may pasahero man sila o wala.
Ipinagpatuloy ng DOTr ang pagpapatupad ng programa noong 2021 at 2022.
Naunang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang Special Allotment Release Order (SARO) at ang Notice of Cash Allocation (NCA) na nagkakahalaga ng P1.4 bilyon, na sasakupin ang karagdagang pondo na kailangan para sa pinalawig na Libreng Sakay program mula Setyembre 1 hanggang Disyembre 31, 2022. (Daris Jose)
-
FEEDER ROUTES ng mga PAMPUBLIKONG SASAKYAN NA MAARING TAMAAN ng MASS-TRANSPORT TRANSIT, PAGHANDAAN!
Magandang balita sa mga pasahero na nasimulan na o sisimulan na ang mga mass-transport system lalo na sa Metro Manila. Mas mabilis, mas maginhawa at mas maraming maisasakay. Ang kailangan din na paghandaan ay yung mga feeder routes ng mga jeeps, UV express, at buses na kakailanganin para makarating ang mga pasahero sa mga istasyon ng […]
-
CARDINAL TAGLE NAKUHA ANG COVID SA EROPLANO O AIRPORT
MALAKI ang paniniwala ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na nakuha ni Cardinal Luis Antonio Tagle, nagpositibo sa COVID-19,ang virus sa eroplano o sa paliparan. Ito ang inihayag ni Acting CBCP President Pablo David ,dahil nag negatibo naman si Tagle sa swab test na isinagawa sa Rome noong Setyembre 7. Hindi […]
-
SHARON, inunahan na agad ang mga bashers na walang in-edit sa latest photo na pinost
ILANG araw nang pinag-uusapan ang latest photo ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram. Marami talagang napa-wow at nag-react na pumayat talaga siya na kitang-kita naman sa kanyang pinost na may caption na, “Just got home from work. Thank You, Lord for a wonderful taping day!” Kasama ang hashtag na #noeditinghuwaw, […]