DOTr: Paghuhukay ng tunnel sa Metro Manila Subway project, magsisimula na sa Dec
- Published on November 19, 2022
- by @peoplesbalita
NAKATAKDA nang simulan sa buwan ng Disyembre ang paghuhukay ng tunnel para sa kauna-unahang Metro Manila Subway project sa bansa.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Rails Sector Cesar Chavez, base sa umano sa usapan nila sa Tokyo, Japan, sisimulan ang paghuhukay ng tunnel sa Brgy. Ugong, East Valenzuela sa Disyembre 12.
Ang naturang lugar aniya ang magsisilbing subway depot.
Matatandaang kamakailan ay nagtungo sa Tokyo si Chavez upang makilatis ang binili ng pamahalaan na ika-apat sa 25 na tunnel-boring machine para sa proyekto.
Sinabi ni Chavez na mula sa Valenzuela, tatakbo pa ng isa’t kalahating kilometro ang paghuhukay bago maidugtong sa susunod na istasyon nito sa Quirino Highway sa Quezon City.
Batay aniya sa pagtaya ng mga inhinyerong Hapones, maaaring tumagal ng hanggang isang taon ang paghuhukay mula Valenzuela hanggang Quirino Highway.
Nabatid na nasa 17 istasyon ang subway mula Valenzuela hanggang Bicutan.
Daraan din ito sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa sandaling matapos na ang proyekto, inaasahang mapapaikli nito ang oras ng biyahe ng mula sa Quezon City hanggang sa airport, mula sa dating mahigit isang oras, ay magiging 35 minuto na lamang. (Daris Jose)
-
WALANG PANGIL SA POGO
PATULOY ang panawagan para sa mas malalim na imbestigasyon at mas mabigat na parusa sa mga pasaway na dayuhan na nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Una nang nabulgar na may mga Chinese na nagpapakilala pang mga Filipino sa pamamagitan ng pekeng birth certificates at passports na kasama sa […]
-
PDU30 inako na siya ang sisihin sa kakulangan ng bakuna sa unang bahagi ng 2021
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na siya ang dapat sisihin sa mababang suplay ng COVID-19 vaccines sa unang bahagi ng taon. Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, inamin ng Chief Executive na mahirap makakuha ng sapat na suplay ng bakuna dahil walang manufacturing company sa bansa. “Kung mayroon mang […]
-
Hall of Famers, sinala ng PSC
INUMPISAHAN na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagpili sa mga ilalagak sa 2020 Philippine Sports Hall of Fame kahapon (Martes) ng umaga sa PhilSports Complex sa Pasig City. Nangunguna sa Philippine Sports Hall of Fame (PHOF) 2020 Committee sina PSC Chairman William Ramirez bilang tagapangulo, at Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino […]