DOTr: Subway Project 26% complete
- Published on February 4, 2022
- by @peoplesbalita
Inihayag ng Department of Transportation na ang Metro Manila Subway Project (MMSP) ay may overall na 26 % ng kumpleto kung saan inaasahang magkakaron ng kumpletong operasyon sa third quarter ng taong 2027.
“The 2027 includes a two-year project liability period, or when the contractor is allowed to remedy defects after the completion of the subway,” wika ni DOTr assistant secretary Goddes Hope Libiran.
Samantala, ang detailed designs ay may 60 percent ng kumpleto habang ang replication at improvement ng mga facilities sa Veterans Memorial Golf Club kung saan itatayo ang MMSP’s North Avenue na estasyon, ay may 45 percent ng kumpleto.
Dapat sana ang target completion ng kauna-unahang underground train system ay sa taong 2027 subalit naantala dahil sa mga iba’t ibang issues.
Ang P357 billion na Metro Manila Subway project ay binubuo ng 36 kilometers na may 17 estasyon na dadaan sa pitong (7) local government units (LGUs) at babagtas sa Metro Manila’s business districts. Ito ang siyang isa sa pinakamaking proyekto sa programa ng pamahalaan sa ilalim ng Build, Build, Build.
Magsisimula ang station sa Quirino Highway hanggang NAIA Terminal 3 sa Pasay City at FTI sa Taguig. Inaasahang magkakaron ng full operation sa darating na 2027.
Ang pondo sa pagtatayo ng MMSP ay mula sa isang loan na binigay ng Japan International Cooperation Agency (JICA).
Ang unang 7-kilometer ng MMSP na siyang magdudugtong sa Philippine National Institute, East Valenzuela Station at train depot sa Valenzuela ay magiging operational ngayon 2022. Nakabili na rin ng 240 train cars na gagamitin sa partial na operasyon ng MMSP.
Sa initial na operasyon ng MMSP, ito ay inaasahang makapagsasakay ng 370,000 na pasahero kada araw sa 17 estasyon nito na siyang magdudugtong sa mga lungsod ng Pasig, Makati, Taguig, Paranaque at Quezon.
Kapag operasyonal na ang MMSP, ang travel time ay mababawasan at mula sa dating isang (1) oras, ito ay magiging 35 minuto na lamang mula sa lungsod ng Quezon papuntang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Paranaque.
Ayon rin sa DOTr, ito ay idudugtong rin sa North-South Commuter Railway Project (NSCRP) na isang148 kilometrong railway line mula Clark sa Pampanga hanggang Calamba, Laguna.
Noong nakaraang February 2019 ay nagkaron ng groundbreaking ceremony para sa subway project at nilagdaan rin ang design at contract ng unang tatlong (3) stations sa pangunguna ng joint venture na Shimizu Corp., Fujita Corp., Takenaka Civil Engineering Co. Ltd., at EEI Group.
Ang joint venture ay silang mamahala sa design at construction ng subway’s partial operability section na binubuo ng unang tatlong (3) underground stations ng Quirino Highway, Tandang Sora, at North Avenue; tunnel structures; Valenzuela depot at building; at facilities para sa Philippine Railway Institute. LASACMAR
-
PIA, inaming muntik nang magpabawas ng ‘boobs’ buti na lang ‘di tinuloy
SINAGOT ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kanyang IG stories ang tanong kung engaged na sila ng boyfriend na si Jeremy Jauncey na kung saan pinagpiyestahan ang kanilang photos sa Maldives. Post ni Pia, “False, ito talaga unang tanong hahaha. If it was true trust me you’d know haha. “Btw am I […]
-
Allowances ng mga national athletes at coaches babawasan na
Ipinaliwanag ng Philippine Sports Commission ang pagbabawas sa mga allowances ng mga national athletes at coaches. Sinabi ni PSC chairman William Ramirez, na simula ngayong Hunyo 1 ay ipapatupad na nila ang pagbawas sa mga allowances ng mga national athtletes at coaches. Nagkaroon aniya hindi paggalaw sa National Sports Development Fund mula sa […]
-
Roger Federer, nanguna sa 100 highest-paid athletes ng Forbes
Nangibabaw sa unang pagkakataon si tennis superstar Roger Federer sa listahan ng mga highest-paid athletes ng Forbes business magazine ngayong taon. Sa datos ng Forbes, kumita si Federer ng $106.3-milyon kung saan $100-milyon ang mula sa appearance fees at endorsement deals, habang ang $6.3-milyon ay galing sa premyo sa nilahukang mga torneyo. Sumegunda […]