• January 6, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Double cross’ sinisilip sa pagkawala ng 29 sabungero

TINITINGNAN ngayon ng Phi­lippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang posibilidad na ‘double-cross’ ang motibo sa pagkawala ng 29 sabungero sa Metro Manila at tatlong probinsiya.

 

 

Ayon kay CIDG Dir. Albert Ferro, lumilitaw sa kanilang inisyal na imbestigasyon na  ‘tyope’ o “ double cross” ang ugat ng mga kaso ng pagkawala ng mga sabungero.

 

 

Paliwanag niya sa ‘tyope,’ ang mga sabungero ay tumataya sa manok ng kalaban sa halip na sa kanilang mga panabong.

 

 

Ang unang insidente ay sa Manila Arena noong E­nero 14 at sinundan pa ng katulad na insidente sa Laguna, Batangas at Rizal.

 

 

Dagdag pa ni Ferro, may isang operator na umatras sa taya na P200 milyon at hindi na rin ito matagpuan.

 

 

Karamihan din aniya sa mga nawawala ay sangkot sa  online sabong.

Other News
  • Bakit OD?

    MAY mga kasamahan akong sportswriter na nag-iisip kung paano ko naisip ang pamagat ng aking kolum na lumalabas araw-araw dito sa pahayagang inyong pinagkakatiwalaan – People’s BALITA.   Sabi kasi ng ilan sa kanila dati, na sigurado silang basketbol ang tiyak na magiging paksa ko sa mula Lunes hanggang Sabado.   Pero sabi ko general […]

  • Makeover sa Manila Bay gamit ang dolomite sand, matatapos

    TINIYAK ng Malakanyang na matatapos ang makeover ng Manila Bay gamit ang dinurog na dolomite sand sa kabila ng ulat na ang artificial sand na inilalagay ng pamahalaan ay nawa-washed out lang papuntang karagatan.   Ang environment department ay naglaan ng pondo para sa nasabing proyekto.   “The Bayanihan Law, which allows President Rodrigo Duterte […]

  • Kim, kasama sa celebrity friends na bumati: MAJA, engage na rin sa longtime boyfriend na si RAMBO

    SA mismong Pasko ng Pagkabuhay, sinabay na in-announce nina Maja Salvador at longtime boyfriend na si Rambo Nuñez ang kanilang engagement.     Naganap ito sa El Nido, Palawan na kung saan doon sila nagbakasyon at kasama kani-kanilang mga pamilya.     Sa post sa Instagram ni Maja, “My new beginning @rambonunez,” kasama ang ring, at heart […]