Duque hindi sang-ayon na makasuhan sa PhilHealth mess: ‘I intend to clear my name’
- Published on September 3, 2020
- by @peoplesbalita
Dismayado si Health Sec. Francisco Duque III sa pagkakasali niya sa mga pinakakasuhan ng Senado kaugnay ng kontrobersya ukol sa umano’y korupsyon sa loob ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
“I just finished a series of meetings and was only informed of the sponsorship speech of Senate President Sotto on the findings of the Committee of the Whole on PhilHealth just now.”
Si Duque ang chairman ng PhilHealth board, pero ayon sa kanya, non-voting ang kanyang posisyon sa state-health insurance. Ibig sabihin, hindi ikinokonsidera ang boto niya sa mga deliberasyon ng board.
“As a non-voting Chairman under Universal Healthcare Law, it is unfortunate that I was impleaded in the alleged IRM irregularities when I was not even present during the deliberation nor did I sign the Board Resolution.”
Binigyang diin ng kalihim ang pakikipagtulungan niya sa mga mambabatas na nag-iimbestiga sa issue.
“This is not the best time for the Executive to have a difference with the Legislative branch, but two weeks ago I went to the Senate to shed light on the issues based on my personal knowledge.”
Kabilang ang Health secretary sa mga inirerekomenda ng mga Senador na kasuhan dahil sa nadiskubreng korupsyon sa loob ng ahensya. Kasama niyang pinakakasuhan ang mga nag-resign na sina PhilHealth president and CEO retired B/Gen. Ricardo Morales Jr., at executive vice president Arnel de Jesus.
Pati na ang mga senior vice president’s na sina Renato Limsiaco (for fund management sector), Israel Francis Pargas (for health financial policy sector), at iba pang dawit sa sinasabing iligal na implementasyon ng interim reimbursement mechanism (IRM).
Sa kabila nito, nangako ng pakikipagtulungan sa imbestigasyon si Duque.
“As I have previously stated, I will cooperate with my any inquiry on the matter by the concerned government agencies. Certainly, I intend to clear my name.” (Daris Jose)
-
Single rin ang gusto niyang makarelasyon: CIARA, nagulat na lang na nali-link pala kay JAMES
PARANG si Buboy Villar ang isa sa pinaka-guwapong leading man ng taong ito, huh! Sa GMA-7 na lang ay ilang Kapuso actresses na ang patok din ang tandem sa kanya. At sa kanyang bagong movie, ang ‘Ang Kwento ni Makoy’ direksyon ni HJCP at produksyon ng Masaya Studio Inc., kung hindi […]
-
‘Late submission’: Ilang COVID-19 testing laboratories, sinuspinde – DOH
Isang laboratoryo na humahawak ng COVID-19 testing ang sinuspinde ng Department of Health (DOH) dahil sa patuloy umano nitong paglabag sa mandato na mag-submit ng mga datos sa itinakdang deadline ng ahensya. Hindi pinangalanan ng ahensya ang pasilidad, pero sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na isa sa malalaking laboratoryo ang napatawan ng […]
-
PBA bubble gagawin sa Clark, Pampanga simula sa Oct. 9
Nagdesisyon na rin ang Philippine Basketball Association (PBA) na gagawin nila ang kanilang sariling bersiyon ng bubble sa Clark, Pampanga. Ang pagbuhay sa mga laro ng PBA ay sisimulan sa pamamagitan ng All-Filipino Cup sa October 9. Gayunman mag-aantay pa ang PBA sa desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung aaprubahan ang kanilang […]