Duterte sa publiko: Manatiling kalmado, alerto vs COVID-19 threat
- Published on February 14, 2020
- by @peoplesbalita
TODO panawagan at paalala si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na mag-doble ingat at maging alerto kaugnay pa rin sa nagpapatuloy na outbreak ng Coronavirus Disease o COVID-19.
Sa kanyang recorded video message kahapon (Huwebes), sinabi ni Pangulong Duterte sa taumbayan na manatiling kalmado sa gitna ng pagkalat ng sakit at magtiwala lamang sa gobyerno at sa mga otoridad sa paglaban sa hamon.
“I call on our people to remain calm, vigilant, responsible and I also ask your trust and cooperation, support as we face the challenge,” wika ni Pangulong Duterte. “Tayo ay magkaisa together as one nation, this challenge can be overcome.”
Muling tiniyak ni Duterte na tatlo pa lamang ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan wala pang ebidensiya ng lokal na pagkahawa sa komunidad sa bansa.
Ayon sa presidente, naiintindihan niya raw na marami sa mga Pilipino ang nakararanas ng pangamba, na aniya’y normal lamang sa ganitong mga sitwasyon.
“It is normal to feel anxious, concerned and even afraid. Maging malinis. Hugasan yung kamay frequently, yung paulit ulit. Kung every handshake mo, kung humatsing ka, takpan mo bunganga mo at tingnan mo hindi ka makahawa sa ibang tao. Kung ikaw naman ay may ubo, mag-mask ka na lang,” payo pa nito.
Kasabay nito, inihayag ni Pangulong Duterte na handa ang pamahalaan, katuwang ang World Health Organization, medical societies at private sector sa anumang puwedeng mangyari.
Tiniyak din ng Punong Ehekutibo na inaalagaan ng gobyerno ang mga overseas Filipino workers galing Wuhan, China na pinauwi at nasa quarantine ngayon sa New Clark City sa Capas, Tarlac.
Sa iba pang mga Pinoy na nasa lockdown areas sa China, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi rin pababayaan ang mga ito at aasistehan ng pamahalaan kung nais na rin nilang umuwi.
“To our kababayans who remain in lockdown areas in China, I assure you that the government is ready to bring you home if you want. Hindi naman kayo papabayaan,” anang Pangulo. (Daris Jose)
-
Ginebra nasa unang puwesto na matapos tambakan ang Dyip, 102-80
PASOK na sa unang puwesto ang Barangay Ginebra matapos tambakan ang Terrafirma 102- 80 sa laro na ginanap sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center. Pinangunahan ni Japeth Aguilar ang panalo na nagtala ng 21 points habang mayroong 13 points, 11 rebounds at siyam na assists si Scottie Thompson. Dahil sa […]
-
Utang ng gobyerno ng Pinas, pumalo na sa P12T mark
LUMOBO na ang utang ng gobyerno ng Pilipinas at nakapagtala ito ng bagong record-high at nasira ang P12-trillion mark “as of end-January” ngayong taon sa gitna ng nagpapatuloy na borrowing efforts para palakasin ang pananalapi para sa COVID-19 recovery measures. Ito ang makikita sa data na ipinalabas ng Bureau of the Treasury (BTr). […]
-
SEKYU TODAS SA DALAWANG KABARO
Rehas na bakal ang kinasadlakan ng dalawang security guard matapos barilin at mapatay ang 21-anyos na security guard na mula sa ibang agency kasunod ng isang kaguluhan sa Malabon city, kamakalawa ng gabi. Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa katawan si Yasser Ampuan ng Prostegein Security Agency at residente ng North Fairfiew, Quezon […]