Election gawing hybrid electoral system
- Published on October 28, 2020
- by @peoplesbalita
IMINUNGKAHI ng isang abogado na gumamit ng hybrid electoral system para sa 2022 national election upang matuldukan na ang nangyayaring dayaan sa halalan.
Sa virtual media forum ng National Press Club, sinabi ni Atty. Glen Chong na ang “hybrid electoral system” ay hindi kagaya ng sa Smartmatic na automated.
Sa hybrid aniya ay mano- mano pa rin dahil walang makina sa loob ng precint.
Ito ay manual voting, manual counting pero ang transmission ng mga balota ay automated.
Paliwanag ni Chong, tao pa rin ang magbibilang ng mano-mano ngunit kapag ita-transmit na ang bilang ng mga boto at balota ay automated.
Binigyan diin ni Chong na hindi na maaring makapandaya o mamanipula dahil nabilang na ng mano-mano ang balota o boto bago pa man ito ipadala o itransmit.
Hindi na rin aniya maaring gamitin ang mga makina ng Smartmatic sa 2022 dahil baka aniya babagsak lahat.
Tatlong Board Election Inspectors o BEI aniya ang magbabantay sa mga presinto kabilang ang Chairperson, poll clerk at member.
Ang mungkahing hybrid election ni Chong at kahalintulad din aniya nang panukala ni Senator Vicente Sotto na inihain sa Kongreso sa ilalim pa ni House Speaker Rep. Allan Cayetano ngunit hindi aniya ito inaksyunan o na-hearing.
Si Senator Imee Marcos lamang aniya ang nagsimulang nag-hearing ng panukala ngunit kapag wala aniyang counterpart measures mula sa Kongreso ay wala rin umanong mangyayari sa hybrid election system bill.
Ayon pa kay Chong dapat na aniyang gawin ang hybrid election para sa isang malinis, makatotohanan at credible na halalan.
Umaasa rin si Chong na i-certify ng Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas dahil kaya pa naman aniya itong ihabol dahil dati na itong ginagawa sa mga naunang mga halalan sa bansa at wala nang parallel shift na kinakailangan. (Gene Adsuara)
-
61 simbahan sa Maynila, tututukan ng MPD sa Simbang Gabi
TINIYAK ni Manila Police District (MPD) Director P/Brig. General Andre Dizon na sapat ang itatalagang mga uniformed at civilian clothes personnel na magbabantay sa 61 simbahan sa Maynila para sa Simbang Gabi. Sinabi ni Dizon, na simula sa Dec. 16, asahan na magiging maayos at sapat ang kapulisan na itinalaga sa Quiapo Church, […]
-
COVID-19 sa Pinas higit 2 milyon na!
Sumampa na sa higit dalawang milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas makaraang madagdagan kahapon ng bagong 14,216 kaso base sa resulta ng mga pagsusuri ng mga testing laboratories na ipinadala sa Department of Health (DOH). Sa Case Bulletin No. 536, umakyat na sa 2,003,955 katao ang tinamaan ng COVID-19 magmula nang […]
-
Setyembre ng bawat taon, deklaradong ‘Bamboo Month’
IDINEKLARA ng Malakanyang na “Philippine Bamboo Month” ang buwan ng Setyembre kada taon base sa Proclamation No. 1401 na tinintahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Lunes. Kinikilala ni Pangulong Duterte ang pangangailangan na itanim sa kamalayan ng mga Filipino ang kahalagahan ng bamboo plant at produkto nito. “I, Rodrigo […]