Ex-NBA star Cedric Ceballos hiling ang dasal habang nasa ICU dahil sa COVID-19
- Published on September 10, 2021
- by @peoplesbalita
Nanawagan na rin ang NBA sa kanilang hanay para isama sa kanilang panalangin para sa recovery ang isang dating veteran NBA player na nag-aagaw buhay dahil sa COVID-19.
Una rito marami ang nagulat sa inilabas na larawan ni Cedric Ceballos kung saan nasa ICU siya at naka-intubate o oxygen mask habang nasa ika-10 araw na sa ospital.
Si Ceballos na ngayon ay nasa 52-anyos na ay dating naglaro sa Phoenix Suns, Los Angeles Lakers, Dallas Mavericks, Detroit Pistons at Miami Heat.
Gumanda ang career ni Ceballos noong nasa Lakers pa siya sa pagitan ng 1994-1995 season at napasali pa siya sa unang pagkakataon sa All-Star team.
Nagkampeon din siya sa 1992 NBA Slam Dunk Contest at sumali sa “The Amazing Race” kasama ang dating Phoenix Suns All-Star na Shawn Marion.
Si Ceballos ay second cousin ng NBA legend na si Kobe Bryant.
Sa kanyang mensahe habang nasa ICU, nanawagan din siya ng dasal para sa kanyang madaliang paggaling kasabay nang paghingi nang paumanhin sa kanyang mga nasaktan.
“On my 10th day in ICU, COVID-19 is officially kicking my but(t), I am asking ALL family, friends, prayer warriors healers for your prayers and well wish for my recovery. If I have done and anything to you in the past , allow me to publicly apologize. My fight is not done….. Thx,” ani Ceballos sa Twitter message
-
Jimuel Pacquiao tagumpay ang US debut
TAPOS na ang makulay na professional boxing career ni Manny Pacquiao habang nagsisimula pa lang ang kanyang anak na si Jimuel. Panalo kaagad ang naitala ng 20-anyos na si Jimuel matapos talunin si American Andres Rosales sa kanilang three-round, junior welterweight amateur fight kahapon sa House of Fights sa San Diego, California. […]
-
2 bagong tren ng PNR, aarangkada na
SA mga susunod na araw ay maari ng masakyang ang dalawang bagong bagon ng Philippine National Railways (PNR). Inaasahan din na mabibigyang serbisyo sa mga libo-libong mga mananakay na mula sa Tutuban hanggang Alabang Station. Ayon sa PNR, nakumpleto na ang mga bagong bagon ng tren na idineploy sa PNR depot ngayong araw […]
-
Arrest warrant, maaaring iisyu ng ICC laban sa mga opisyal ng gobyerno ng PH – SolGen
MAAARI umanong mag-isyu ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra. Subalit nilinaw naman ng SolGen na ibang usapin ang pagpasok ng mga imbestigador ng ICC sa teritoryo ng Pilipinas kayat mahalaga ang kooperasyon nito sa pamahalaan. […]