• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fajardo isasabong na sa Abril ni Austria sa SMB

HINDI na pala dapat mag-aalala ang mga tagasunod ng Philippine Basketball Association (PBA) at ng San Miguel Beer.

 

 

Inalis na kamakalawa ni Leovino ‘Leo’ Austria ang pangamba ng mga fan hinggil sa pagbabalik na ni June Mar Fajardo sa 46th PBA 2021 Philippine Cup na magbubukas sa Abril matapos ang 36th PBA Draft 2021 sa Marso 14.

 

 

Tiniyak ng Beermen coach na sure ball naman ang pagbabalik-aksiyon ng six-time professional league para sa nalalapit na import-less season-opening conference

 

 

Kasunod ang pahayag ni Austria araw para 31-anyos, 6-10 ang taas na sentrong basketbolistang na sinuri at binigyan na ng go signal ni orthopedic surgeon Dr. George Raul Canlas.

 

 

Missing-in-action rin sa nakaraang season ng unang Asia’s play-for-pay hoop ang franchise player ng Beer ang Cebuano cager dahil sa leg injury noong February 2020.

 

 

Garahe siya sa 45th PBA Philippine Cup 2020 sa Angeles, Pampanga bubble na pinagharian ng Barangay Ginebra San Miguel.

 

 

“I was able to talk to Dr. Canlas, asking the situation June Mar had. He told me definitely. He could return and play in the next season,” lahad ng 62 taong-gulang na bench tactician ng serbesa.

 

 

Pagtatapos ni Austria: “So, maganda ang result ng kanyang healing process and it’s a matter of time to strengthen those muscles supporting his legs. I think by the end of this month, he’s ready to have another workout.”

 

 

***

 

 

Belated Happy Chinese New Year po mga mahal kong mambabasa ng Opensa Depensa at ng People’s BALITA po.(REC)

Other News
  • Tuloy ang imbestigasyon ng Senado sa ABS-CBN

    ITUTULOY pa rin ng Senado ang planong pag-imbestiga sa prangkisa ng ABS-CBN Corporation sa kabila ng paghahain ng gag order motion ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema.   “A motion for a gag order is what it is. Just a motion. The Supreme Court will still have to decide on it under […]

  • 7 arestado sa sugal at shabu sa Navotas

    Arestado ang pitong katao, kabilang ang isang byuda matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Maritime Police na naglalaro ng ilegal na sugal at makuhanan ng shabu ang apat sa kanila sa Navotas city.     Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Major Rommel Sobrido ang mga naarestong suspek na nahaharap sa kasong […]

  • 3 most wanted persons, nadakma sa Caloocan at Valenzuela

    TATLONG katao na pawang wanted sa kaso ng panggagahasa ang nadakip ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operations sa Caloocan at Valenzuela Cities.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-2:25 ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Major […]