• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fajardo utay-utay lang muna sa pagpapraktis

HINDI nakakaramdam ng sakit si Philippine Basketball Association star June Mar Fajardo ng San Miguel Beer sa kanyang shin injury, pero ayaw pa niyang tumodo sa mga ensayo.

 

 

May palugit pa naman siya upang makondisyon bago buksan ang 46th PBA Philippine Cup 2021 bago matapos ang kasalukuyang buwan o unang linggo ng Hulyo.

 

 

“Marami na kaming ginagawa na mga footwork drill ng physical therapist namin para makuha ko ulit ang kumpiyansa ko,” wika Martes ng 31 taong-gulang,  6-10 ang taas na sentro mula sa Cebu sa 2OT podcast. “So far maganda naman ang movements ko. Sana tuloy-tuloy. May one month pa naman ako para mag-prepare.”

 

 

Tinataya ng basketbolista na makukuha niya ang full game-shape niya bago ang import-less season-opening conference sa Ynares Center sa Antipolo o Ynares Arena sa Pasig.

 

 

Labis din ang pasasalamat niya na nabigyan ng pagkakataong muling makalaro pagkaraang mabalian ng alulod sa praktis noong Pebrero 2020 na nagpaliban sa kanya buong ika-45 edisyon ng propesyonal na liga sa nasabing taon.

 

 

“Masaya ako, lagi ko ipinapasalamat kay God na binigyan ulit ako ng chance na makapagbasketbol uli,” ang hirit ng six-time PBA  MVP. “Kasi nga, nakakatakot ang nangyari sa akin, eh. Binigyan Niya ako ng second chance na makabalik. Kaya gagawin ko ang best ko para makuha ko old form, o mas mataasan ko pa ang nilalaro ko dati.” (REC)

Other News
  • GRUPO NANAWAGAN NG IMBESTIGASYON SA VIP VACCINATION

    NANAWAGAN ang isang grupo na imbestigahan ang ginawang vaccination sa ilang opisyal ng gobyerno kasunod ng tahasang pag-amin ni  Special Envoy to China Ramon Tulfo na naturukan na ng Covid-19 Sinopharm vaccine.   Ayon sa CPRH, dapat magkaroon ng patas na imbestigasyon ang Food and Drug Administration o FDA sa VIP COVID-19 vaccination sa mga […]

  • MGA NAGPAREHISTRO SA ELEKSIYON 2021, UMABOT SA HALOS P3M

    UMABOT na sa 2,904,347 ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro para sa Eleksyon 2022.     Ayon sa Comelec, simula ito noong nakalipas na taon nang ibalik ang pagpapatala sa gitna ng pandemya hanggang nitong Mayo 15.     Sa inilabas na datos  ng Comelec, pinakamarami ang nagpatala para makaboto sa 2022 noong Enero hanggang […]

  • COA: P12-B DEAL NG BCDA NOONG SEA GAMES, MAITUTURING NA ‘DISADVANTAGE’

    TINAWAG na ‘disadvantage’ ng Commission on Audit ang P12-billion deal ng gobyerno para sa pagpapatayo ng National Government Administrative Center at pasilidad na ginamit noong 2019 Southeast Asian Games sa New Clark City.   Ayon sa state auditor, pinagastos umano ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) ang pamahalaan ng P1 billion noong isinama ang P8.5 […]