Fernando, nagbigay ng direktiba sa PTF na paigtingin ang PDITR Strategy upang maghanda sa COVID Delta variant
- Published on July 29, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- Kahit wala pang naiuulat na kaso ng COVID-19 Delta variant sa lalawigan, ipinag-utos ni Gobernador Daniel R. Fernando sa Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 na paigtingin ang pagpapatupad ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) Strategy sa ginanap na 12th Joint Meeting of the Response, Law and Order, and Recovery Clusters of the PTF sa pamamagitan ng aplikasyong Zoom kahapon.
“Tinatalakay natin ngayon ang ating paghahanda sa Delta variant na kailangan po ay maging overacting tayo. Kasi kailangan natin magbantay dahil mas maganda na ang maagap kesa doon sa masipag. Hindi na dapat pagtagalin pa. Nandyan na, bantayan na natin ng todo,” anang gobernador.
Naniniwala si Fernando na maganda ang laban ng lalawigan sa pagtugon sa COVID, at nais niyang palakasin ang ipinatutupad na mga istratehiya dahil ayon sa mga pag-aaral, ang Delta variant ang pinaka nakakahawang bersyon ng SARS-COV2 sa kasalukuyan.
“Kung pagbabatayan ang datos sa ibang lalawigan, I am convinced that we are doing a great job here in the province. Nananatiling pinakamababa ang ating lalawigan pagdating sa active cases. Pagiging maagap ang kailangang pairalin natin dito bukod doon sa pag-iingat natin. Pairalin natin ang paghihigpit sa minimum standard protocols,” dagdag ng gobernador.
Ayon sa ulat ni PTF Response Cluster Head Dr. Hjordis Marushka Celis, dapat na nakapokus ang istratehiya ng lalawigan sa pagsiguro na nakahanda ang healthcare system kahit ano pa man ang klasipikasyon ng community quarantine upang mapaghandaan ang posibleng pagtaas ng kaso.
Iminungkahi rin niya ang pagpapatupad ng accordion policy para paghandaan ang pagdami ng kaso sa mga ospital, ang conversion and reconversion principle na tutukoy kung dapat palitan ng isang ospital ang regular na hospital bed at gawing ICU bed upang matulungan ang pangangasiwa sa mga kaso at magligtas ng buhay sa pamamagitan ng pagsiguro na mayroong sapat na higaan para sa mga may kritikal at malalang kaso.
Sang-ayon din sina Gob. Fernando at Dr. Celis sa pagbibigay ng prayoridad sa pagpapabilis sa vaccination rollout lalo na sa mga senior citizen at mga taong mayroon nang binabantayang kondisyon dahil kung mananatili silang hindi bakunado, patuloy silang malalapit sa peligro ng malalang COVID-19 o pagkaka-ospital. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
DOJ, hindi na kailangan pang bigyan ng direktiba ni PDu30 ukol sa gangwar sa NBP
PARA sa Malakanyang, hindi na kailangan pang magbigay ng direktiba pa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Justice Secretary Menardo Guevarra hinggil sa nangyaring gangwar sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tiwala si Pangulong Duterte sa kung ano ang dapat gawin ni Sec. Guevarra sa nangyaring […]
-
De Luna nagkampeon sa Florida sidepocket 9-ball
MAY ilang ilang araw pa lang ang nakararaan nang mamayagpag sa Sunshine State Pro Am Tour 2021 Stop 2 si Jeffrey de Luna. Sinundan niya agad ng isa pang korona ang kanyang ulunan sa paghahari naman sa The Sidepocket Open 9 Ball Championship #23 Mardi Grass sa Brewlands sa North Lakeland, Florida. […]
-
Pagsasanay ng mga atleta na kasali sa 2021 Tokyo Olympics, maaari nang mag-resume- Sec. Roque
MAAARI nang mag-resume ng pagsasanay ang mga atleta na makikipaglaban o makikipagkumpetensiya sa 2021 Tokyo Olympics. Ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay sa pamamagitan ng bubble set-up upang masiguro na ligtas sila sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sinabi ni Sec. Roque na araw ng Lunes nang pumayag ang Inter-Agency Task Force […]