• February 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FIBA pinayuhan ang Indonesia na dapat makakuha ng slot sa 2023 FIBA World Cup

Pinayuhan ng FIBA ang Indonesia na kailangan nilang makakuha ng slot sa 2023 FIBA World Cup.

 

Ito ay dahil isa ang nasabing bansa na magiging host 2023 FIBA World Cup kasama ang Japan at Pilipinas.

 

Ayon sa FIBA Executive Committee, dapat makapasok sa top eight ang Indonesia sa 2021 FIBA Asia Cup para sa makapasok sa quadrennial meet.

 

Kapag nakapasok sa top 8 ang Indonesia sa FIBA Asia Cup 2021 ay mababawasan ng isa ang FIBA Basketball World Cup 2023 Asian Qualifiers.

 

Sakaling mabigo naman ang Indonesia sa top eight, magpapatupad ang FIBA ng general rules para sa qualification sa FIBA World Cup 2023.

 

Noong Pebrero sana ang 2021 FIBA Asia Cup subalit ito ay sinuspendi dahil sa coronavirus pandemic.

 

Kapwa kasi nakakuha na ng direct qualification ang Japan at Pilipinas na naglaro noong 2019 FIBA World Cup.

 

Magiging host ang Pilipinas sa final phase ng 2023 FIBA World Cup habang ang mga laro mula sa group phase ay gaganapin sa Japan at Indonesia.

Other News
  • Paggamit ng motorcycle shields simula na sa Hulyo 20

    Simula sa Lunes, Hulyo 20 ay istrikto nang ipa¬≠tutupad ng pamahalaan ang paggamit ng motorcycle shields upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.   Matatandaang noong Hulyo 10 ay pinayagan na ang pag-aangkas ng mga mag-asawa sa motorsiklo ngunit dapat na may physical barriers pa rin sila upang malimitahan ang virus transmission.   Ayon kay Department […]

  • Government employees, sang-ayon na babaan ang edad sa pagreretiro

    BUKAS ang ilang mga empleyado ng gobyerno sa hakbang ng House of Representatives na babaan ang kanilang opsyonal na edad sa pagreretiro mula 60 hanggang 56 na taong gulang.     Ayon kay Atty. Aileen Lizada ng Civil Service Commission, ang isang konsultasyon ng mga tauhan sa buong bansa na isinagawa noong 2019 bago ang […]

  • Sec. Roque, tumanggi na timbangin ang legalidad ng inisyatiba ni Cong. Mike Defensor

    TUMANGGI si Presidential Spokesperson Harry Roque na timbangin ang legalidad ng inisyatiba ni Anakalusugan party-list Representative Michael Defensor na mamahagi ng Ivermectin sa mga residente ng Quezon City na isang paraan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 infection.   Ang Ivermectin, na isang anti-parasitic drug na sinasabing mabisang gamot kontra COVID-19, ay hindi pa aprubado […]