Galaw-galaw nang ‘di pumanaw
- Published on August 6, 2020
- by @peoplesbalita
PAHAGING lang po sa sports ang kolum ko ngayon mga giliw naming mambabasa.
Maglilimang buwan nap o tayong quarantine o lockdown bilang hakbang ng pamahalaan na mapigilan ang coronavirus disease 2019 pandemic.
Habang tumatagal gaya ninyo inip na rin po ako sa lockdown.
Pero huwag po tayong maging negatibo. Tayo rin ang kawawa kapag nagpaaketo tayo.
Isang mabisang payo ko po sa inyo riyan ang pag-eehersisyo. Pagkagising natin sa umaga upang patuloy na maging masigla ang ating katawan.
Araw-arawin natin ito para mas epektibo o mabisa na maging mabuti ang ating kalusugan. Siyempre kailangan din nating matulog ng walo o higit pang oras sa gabi, kumain nang masusustansiyang mga pagkain lalo na ng mga prutas, gulay at isa. Uminom din palagi nang sapat na tubig sa maghapon.
Marami na pong makikitang iba’t ibang exercise sa Google sa FB at iba pang socmed applications. Hanap lang po tayo.
Para sa mga beginner, huwag po nating sagarin agad. Pautay-utay lang bawat araw o every other day lang kung busy rin tayo sa ibang gawain.
Mahalaga po ang pag-e-exercise. Ako po na work from home kundi man magawa daily ay sa salitang araw. Sana kayo rin, tayo pong lahat.
Simulan po natin sa basic at mas maigsing oras muna tapos level up na lang tayo sa mga susunod na araw hanggang sa tumagal na tayo at makagawian na natin o routine na ito.
Ang mga atleta bago at matapos ng training nila, nag-eehersisyo rin. Tayo pa kaya?
Sabi nga nila, galaw-galaw nang hindi pumanaw.
***
Kung may komento o tanong po kayo, i-email lang po ninyo ako sa jeffersoncogriman@gmail.com.
Idalangin po nating lahat na matapos na po ang COVID-19. Ingat po. God bless us all. (REC)
-
Face-to-face classes, aarangkada na sa Hunyo
INAASAHAN ng Department of Education (DepEd) na pagsapit ng Hunyo 2022, ang lahat ng paaralan sa bansa ay nagdaraos na ng face-to-face classes, sa kabila ng nananatiling banta ng COVID-19 pandemic. Sa Laging Handa public briefing nitong Lunes, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na ang mga regional offices ay bubuo ng iba’t […]
-
NON-MANILA RESIDENTS, PUWEDENG MAKAKUHA NG ANTI-COVID DRUGS SA MAYNILA
SINABI ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na maari ring makakuha ng Anti-Covid drugs sa pamahalaang lungsod ng Maynila ang mga non-Manila residents . Ayon sa alkalde, may sapat na suplay ng Remdesivir, Tocilizumab, Baricitinib at Molnupiravir ang Manila LGU na kasalukuyang kailangan dahil sa paglobo ng kaso ng Covid-19. “Sa […]
-
QC LGU, nagpaalala na mag-ingat sa MPOX , 2nd at 3rd case naitala sa lungsod
PINAALALAHANAN ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga mamamayan na mag-ingat laban sa monkey pox o mpox matapos maitala ang ikalawa at ikatlong kaso nito sa lungsod. Ayon sa kalatas na inilabas ng City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD), kasalukuyan nang naka-isolate ang mga pasyente sa kani-kanilang mga bahay. Sa pahayag ni Quezon […]