Galvez, clueless kung may koneksyon kay Yang ang mg executives ng Pharmally
- Published on September 9, 2021
- by @peoplesbalita
CLUELESS si Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. kung may koneksyon kay dating Presidential adviser Michael Yang ang executives ng Pharmally firm na nag-suplay sa bansa ng P8-billion COVID-19 pandemic supplies.
Ang pahayag na ito Galvez ay matapos ipakita at ipanood ni Senador Richard Gordon sa Senate inquiry ang isang footage mula sa state-run RTVM na nagpapakita na may meeting si Chinese businessman Michael Yang at Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Pharmally officials.
Si Yang ay dating presidential adviser on economic affairs.
Sa kabilang dako, tinukoy ni Senador Risa Hontiveros ang records mula sa Taiwan’s Ministry of Justice website, kung saan si Pharmally’s chairman Huang Wen Lie, o mas kilala bilang Tony Huang, ay “wanted” para sa “securities fraud, stock manipulation, at embezzlement.”
Makikita rin listahan ng nasabing website ang pangalan ng anak ni Huang na si Huang Tzu Yen — na nakaupo bilang incorporator ng Pharmally Pharmaceutical Corp. at Pharmally Biological Inc. — bilang wanted person para sa stock manipulation.
“Wala kaming kaalam alam po diyan,” ayon kay Galvez.
“It was crunch time and all we can think about is to save lives since doctors, nurses are dying due to lack of PPE (personal protective equipment). We just did our part,” dagdag na pahayag ni Galvez.
Inulit din ni Galvez ang sinabi ni Presidential spokesperson
Harry Roque ang kakayahan ng Pharmally na makapag-deliver ng high-quality supplies sa abot-kayang halaga, sa tamang oras at hindi nagpapabayad hangga’t hindi naide-deliver ang mga pandemic supplies.
Sa kabilang, sinabi naman ni Galvez na handa niyang harapin ang Senate inquiry sa usaping ito sa Setyembre.
“Yes , I will attend because we have to be given time to respond. To conclude this is plunder is very insensitive.”
Matatandaang sinabi ni Sec. Roque na walang pangangailangan na magsagawa ng background check sa Pharmally dahil ang kompanya ay hiwalay na entity mula sa pesonalidad na nasa likod nito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Kakulangan ng valid ID at digital literacy, dahilan ng mabagal na SIM registration sa bansa
KAKULANGAN sa government valid IDs at digital literacy ng mga SIM card subscribers ang itinuturong dahilan ngayon kung bakit nagiging mabagal ang pag-usad ng SIM registration sa bansa. Sa ngayon kasi ay aabot pa lamang sa 66 million o 39 percent ng kabuuang bilang na 168 million ng mga SIM card users sa […]
-
BI, magbibigay ng serbisyo sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair
SINABI ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na ang ahensiya ay magbibigay ng immigration services sa nalalapit sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair Leyte Normal University in Tacloban City nitong Agosto 2-3. Ito ay ang mabilis na access kabilang ang tourist visa extensions, exit clearances, dual citizenship applications, at iba pang serbisyo. Ang insyatibo […]
-
Badyet ng NTF-ELCAC katumbas ng 38M relief packs
NANINIWALA si House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na malaki ang maitutulong sa realignment o paglilipat ng pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa relief operations para sa mga komunidad na tinamaan ng bagyong Rolly. Kung ililipat umano ang P19.1 bilyong badyet na […]