• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gerald Anderson, nabiktima ng ‘Basag-Kotse’ Gang

NABIKTIMA ang aktor na si Gerald Anderson ng mga notor­yus na miyembro ng ‘Basag-Kotse gang’ matapos na atakihin ang kanyang sports utility vehicle (SUV) at tangayin ang kanyang mga bag na naglalaman ng kanyang mahahalagang gamit, habang nakaparada sa tapat ng isang gym sa Quezon City, kamakalawa.

 

 

Batay sa report ng National Bureau of Investigation (NBI), sa inilabas na footage ng closed-circuit television ca­mera sa lugar, kitang-kitang ang pagdating ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo, malapit sa nakaparadang sasakyan ng aktor.

 

 

Kaagad na bu­maba ang angkas ng motorsiklo, sinilip ang loob ng sasakyan, at binasag ang bintana ng itim na SUV at tinangay ang isang bag na malapit sa pintuan.

 

 

Paalis na sana ang dalawa, gayunman, nang walang taong lumabas mula sa gym ay bumalik pa ang suspek at kinuha pa ang isang bag na nasa driver’s seat naman.

 

 

Kaagad na tumakas ang dalawang suspek, na sinusundan ng isa ring lalaking lulan ng motorsiklo, na nagsilbing lookout.

 

 

Ayon ay NBI-Special Action Unit (SAU) executive officer Kristine Dela Cruz, ­unang naaresto ang isa sa mga suspek  na nakilalang si John Allen Dancel, alyas Elong, matapos siyang matunton ng mga awtoridad sa isinagawang follow-up investigation at operations.

 

 

Inamin umano ni Dancel na siya mismo ang bumasag sa salamin ng sasakyan ni Anderson at tumangay sa mga gamit nito.

 

 

Binuksan din umano niya ang email account ni Anderson mula sa nanakaw nitong laptop at in-accessed ang crypto wallet ng aktor at saka nag-transfer ng P50,000 sa kanyang GCash account.

 

 

Nilinaw naman niya na hindi nila tinarget ang sasakyan ng aktor at natukoy na lamang na sasakyan pala niya ang kanyang nabasag nang makita ang kanyang pitaka sa kanyang bag. Narekober din ng mga awtoridad ang mga motorsiklong ginamit sa pagnanakaw ng mga suspek sa Tondo kung saan naka-base ang grupo.

 

 

Nabawi rin umano nila ang isang bag, dalawang relo at mga gadget ng aktor.

 

 

Gayunman, hindi pa rin narerekober ng mga awtoridad ang pitaka, mga identification (ID) card at passport nito.

 

 

Sa pagkakahuli naman kay Dancel, sumuko rin sa NBI at PNP ang dalawa pang suspek sa krimen, ngunit hindi kaagad natukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito.

 

 

Nakatakdang sampahan ng kaso ang mga nadakip na suspect. (Daris Jose)

Other News
  • Mikey Garcia inaayos na ang laban kay Pacquiao

    Ibinahagi ni American boxer Mikey Garcia na inaayos na nila ang laban niya kay Manny Pacquiao.     Sinabi nito na sa mga susunod na mga araw ay malalaman ang ilang detalye ng laban kung saan ito gaganapin.     Target kasi nila na isagawa ang laban hanggang sa buwan ng Mayo.     Dagdag […]

  • 571 COVID-19 case kada araw sa SoKor, kinumpirma

    KADA araw ay nakakapagtala ng aabot sa 571 kaso ng coronavirus disease (COVID-19), ayon sa South Korean Centers for Disease Control and Prevention.   Ang 571 cases ay kinumpirma ng SoKor nitong Biyernes (February 28) ng hapon, kabilang na ang 256 kaso na inanunsiyo ng umaga sa parehong petsa.   Dahil dito ay nakapagtala ng […]

  • Slaughter, Aguilar medya pa lang ang pag-eensayo

    NAG-BONDING na uli sa hardcourt ang ‘kambal na tore’ ng Barangay Ginebra San Miguel na sina Gregory William ‘Greg’ Slaughter at Japeth Paul Aguilar, ayon sa isang social media account post ng huli nito lang isang araw.     Sa Instagram story ni Slaughter, 32, isang maikling clip na kinuhanan sa isang gym sa Pasig […]