• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas Pilipinas coach Chot Reyes sabik na makasama ang 16-anyos Fil-Am na si Caelum Harris

NAGPAHAYAG ng kasabikan si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na makitang sumabak kasama ang 16-anyos na Filipino American at 6’7″ Caelum Harris.

 

 

Ito ay matapos na ianunsiyo ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na makakasama agad si Harris sa Gilas Pilipinas National Team program.

 

 

Inaasahan na sa buwan ng Marso ay makikibahagi na si Harris sa mga ensayo ng national basketball team para sa paghahanda nila sa 2023 FIBA World Cup na isa ang Pilipinas sa magiging host.

 

 

Sinabi ni SBP President Al Panlilio na nasa tamang landas ngayon si Harris sa pagsali niya sa Gilas Pilipinas program.

 

 

Mula sa Marigondon, Cebu si Harris na naninirahan na ngayon sa Nashville, Tennessee.

 

 

Labis naman na ikinatuwa ng mga kaanak nito sa Cebu ang pagsali ni Harris sa Gilas Pilipinas basketball team.

Other News
  • Cardinal Advincula, nakaramdam ng takot ng italagang arsobispo ng Manila

    Inihayag ng bagong talagang arsobispo ng Maynila na pagbabahagi ng biyaya ng bokasyon ang pagkahirang niya bilang pinuno ng arkidiyosesis.     Sa panayam ng Radio Veritas kay Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula, sinabi nitong bilang pastol ng simbahan ay mahalagang maibahagi sa mananampalataya ang kaloob ng bokasyon na kanyang tinanggap.     “Having been […]

  • ‘Cash recycling’ ATMs sa 7-Eleven PH, simula sa Hunyo

    NAKATAKDANG magkaroon ng “cash recycling” ATMs ang mga tindahan ng 7-Eleven sa Pilipinas sa Hunyo kung saan magkakaroon ng real-time cash deposits at withdrawals ang mga kliyente.   Pinirmahan na ng Philippine Seven Corporation, exclusive franchise holder ng 7-Eleven sa bansa, ang kasunduan kasama ang PITO AxM Platform Inc. (PAPI), ang lokal at wholly-owned subsidiary […]

  • Final guidelines para sa 2022 polls, ilalabas sa 4Q ng 2021 – Comelec

    Ilalabas ng Commission on Elections (Comelec) sa huling quarter ng 2021 ang final guidelines para sa 2022 national elections.     Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, binabalangkas pa nila ang mga guidelines na ihahanay sa umiiral na sitwasyon ng COVID-19 pandemic, na inaasahang tatagal pa hanggang sa halalan.     “Ongoing pa yung aming […]