• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GILAS TAGILID SA THAILAND AT KOREA SA FIBA QUALIFIERS

DAHIL wala pa ring ensayo, nangangamba ang Gilas Pilipinas, na bubuin ng cadets team, sa magiging performance nila sa pagsabak sa tatlong killer games sa loob ng limang araw sa November window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers sa Manama, Bahrain.

 

Ayon sa ulat, agad na sasagupa ang Gilas kontra sa Southeast Asian foe na Thailand at matagal ng karibal na Korea sa inilabas na iskedyul ng FIBA sa planong bubble sa Bahrain.

 

Unang sasagupain ng Gilas ang Thailand sa November 26 na magsisilbing rematch sa gold medal game na naganap sa 30th Southeast Asian Games noong isang taon.

 

Matatandaang napurnada ang FIBA qualifier na nakatakda noong Pebrero dahil sa global COVID-19 pandemic.

 

Maghaharap muli ang Gilas at Thailand sa November 30 bilang huling laro sa Bahrain bubble.

 

Hawak ng Pilipinas ang 1-0 record sa Group A matapos talunin sa iskor na 100-70 ang Indonesia sa Jakarta noong February 24.

 

Ang Gilas Pilipinas ay bubuin ng mga collegiate star at inaasahang walang PBA player na lalahok dahil kasalukuyang naglalaro sa PBA bubble sa Clark, Pampanga.

Other News
  • Bus routes sa ‘Libreng Sakay’, posibleng dagdagan

    PINAG-AARALAN na ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na magdagdag pa ng mga libreng bus rides sa mas maraming ruta, sa ilalim ng kanilang ‘Libreng Sakay Program’.     Ayon kay DOTr Undersecretary Cesar Chavez, makikipagpulong si DOTr Secretary Jaime Bautista sa mga pinuno ng mga ahensiyang may kinalaman dito upang talakayin ang isyu. […]

  • Lassiter kasama na sa PBA history

    KASAMA na ngayon ang pangalan ni San Miguel outside sniper Marcio Lassiter sa kasaysayan ng Philippine Basketball Association (PBA).     Nagsalpak si Lassiter ng apat na three-point shots sa 131-82 paglampaso ng Beermen sa Ginebra Gin Kings noong Linggo sa PBA Season 49 Governors’ Cup para maging bagong all-time leading three-point scorer.     […]

  • Mga atleta masasama sa unang matuturukan kung may sobra

    BINUNYAG ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na mababakunahan ang 31st Southeast Asian Games-bound national athletes kung may mga sosobrang iniksiyon lang laban sa COVID-19 kapag dumating ang unang batch sa 2021 first quarter.     Sang-ayon sa opisyal nitong Huwebes, mauunang tuturukan ang mga frontline health worker, mga senior citizen at may mga sakit […]