Give-away na social media postings nila: CARLO, obvious na hiwalay na talaga sa ina ng anak na si TRINA
- Published on February 19, 2022
- by @peoplesbalita
OBVIOUS naman na hiwalay na talaga sina Carlo Aquino at ang ina ng anak niya na si Trina Candaza.
Ang dalawa na rin ang naggi-give-away sa mga social media postings nila.
Kahit na may mga comments na nagsasabing dapat daw, hindi na lang nagpo-post ng kung ano-anong patama si Trina sa social media nito, sa ideal world, dapat nga siguro.
Pero posibleng moving-on process nito ang mga pino-post sa social media. Posible rin na paraan niya ng “pagresbak?” ‘Yan ay kung totoo ang mga assumption na may ibang babae si Carlo.
Pinaniniwalaan ng mga netizens na tila patama muli ni Trina sa actor ang bagong Instagram post nito. Video ng nanay habang nagbi-breastfeed ng anak sa kalagitnaan ng pagtulog.
Tila sinasabi nito kung gaano kahirap bilang nanay habang ang tatay mahimbing matulog at may ibang babae pa raw na iniisip.
Ang caption nga nito, “Same age kay Mithi yung baby. 8x gumising yung mom to feed the baby. Kaya sa mha nagtatanong kung namumuyat pa yung ganitong age, gumigising pa din sila ng ilang beses but milk lang okay na.
“Yung tatay ang himbing lang ng tulog ‘tas ‘pag gising ibang babae pa iniisip niyan.”
(ROSE GARCIA)
-
Puntiryang 10 million COVID 19 test, kayang makuha sa loob ng 1st quarter ng 2021
KUMPIYANSA ang gobyerno na kaya nitong abutin ang 10 milyong target na COVID 19 test sa first quarter ng kasalukuyang taon. Sinabi ni Testing czar at Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon, halos nasa 7 milyon na ang sumalang sa COVID test at base sa kanilang pagtaya ay kaya namang makuha ang 10 million target […]
-
SC, inilabas na ang buong desisyon ng Anti-Terror Law
INILABAS na ngayon ng Supreme Court (SC) ang full decision at separate opinions sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020. Ito ay ilang buwan matapos ilabas ng kataas-taasang hukuman ang dalawang bahagi ng naturang batas bilang unconstitutional. Siyam na critical questions naman ang kinilala ng SC bilang core issues sa 235 […]
-
MGA SANGKOT NA PERSONALIDAD at BANK OFFICIALS KAILANGAN BANG PAPANAGUTIN sa PERWISYONG NARANASAN ng CAR OWNERS?
Hanggang ngayon ay hinaing pa rin ng mga car owners and pagka antala sa pagpapalabas ng mga plaka ng LTO sa mga sasakyang nairehistro mula 2013 hanggang 2018 kaya’t nabuo ang bansag na “Republika ng Walang Plaka”. Diumano ang isang malaking dahilan ng pagkaantala ay ang hindi makatarungang pag “freeze” ng pag-release ng […]