Gobyerno ng Estados Unidos, nakikipagtulungan sa mga awtoridad ng Pinas sa paghahanap sa dinukot na American vlogger
- Published on October 22, 2024
- by @peoplesbalita
MAHIGPIT na nakikipagtulungan ang gobyerno ng Estados Unidos sa mga lokal na awtoridad sa Pilipinas sa paghahanap kay American Elliot Eastman, dinukot sa Zamboanga Del Norte.
“When a U.S. citizen is missing, we work closely with local authorities as they carry out their search efforts, and we make every effort to keep lines of communication open with families,” ang nakasaad sa kalatas ng US US Embassy.
“The Department of State has no higher priority than the welfare and safety of U.S. citizens abroad,” ang sinabi pa rin nito.
Gayunman, hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang US Embassy sa nasabing search operation dahil sa privacy matters.
“We are monitoring the situation. However, due to privacy and other considerations we have no further comment at this time,” ang sinabi ng US Embassy.
Nauna rito, bumisita ang ilang tauhan ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Sibuco, Zamboanga del Norte, kung saan dinukot ang isang American national.
Nag-courtesy visit din ang FBI agents kay Sibuco Mayor Joel Ventura nitong Sabado para humingi ng update sa insidente ng pagdukot sa dayuhan.
Nagtungo rin ang FBI agents sa misis ng biktima sa Sitio Tungawan sa Barangay Poblacion.
Kinilala ang biktima na si Elliot Onil Eastman na content creator sa YouTube.
Pwersahan siyang dinampot ng mga armadong lalaki na nagpakilalang mga law enforcement personnel, gabi nang Oktubre 17, 2024.
Nagkasa na ng search and rescue operation ang pulisya at militar para masagip si Eastman pero sa ngayon wala pa umanong grupo na nakikipag-ugnayan sa pamilya nito. (Daris Jose)
-
Lalaking nang-hostage, hawak na ng pulisya
NASA kustodiya na ng pulisya ang isang lalaki na nang-hostage ng dalawang babae sa isang gusali sa C.M. Recto sa Sta.Cruz, Maynila. Ayon kay Lt. Col John Guiagui, ang hepe ng MPD- District Intelligence Division (DID) itinawag ang hostage taking pasado alas 3 ng hapon . Aniya, nag-ugat ang pangho-hostage ng suspek na si alyas Jun […]
-
Dagdag suporta para sa flexible-learning students, hiniling
KAILANGAN umano ng karagdagang suporta para sa mga estudyante sa ilalim ng flexible-learning scheme upang magkaroon ng dekalidad na edukasyon para sa mga Pilipinong mag-aaral. Ito ang panawagan GP (Galing sa Puso) Party-list kasunod ng ulat na pamamahagi ng Department of Education ng mahigit 87 milyong modules at 74,000 tablets sa mga estudyante sa ilalim […]
-
4 drug suspects arestado sa Calocan
APAT na hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang No. 1 priority personality on illegal drugs Regional level ang arestado sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., alas- 1:40 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng […]