• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Going 8th months na ang relasyon nila: KRIS, crush na crush na pala noon pa ni Vice Gov. MARK

GANU’N na lang ang naging pag-iyak ni Elijah Canlas habang nagbibigay ng mensahe hinggil sa pagyao ng kanyang bunsong kapatid na si JM Canlas.

 

 

Pumanaw si JM noong August 3 sa edad na 17. Napanood siya sa mga pelikulang “Kiko Boksingero” at “ANi” at sa TV series na “Unconditional.”

 

 

Sa TikTok video na in-upload ni paulchester2023 ay napanood namin ang madamdaming mensahe ni Elijah bago ilagak ang mga abo ni JM sa columbarium last Sunday. August 6.

 

 

Bahagi ng naging madamdaming mensahe niya ay nagpasalamat siya at hindi raw nila inakala ang dami ng mga nakiramay at nagbigay ng suporta sa kanila.

 

 

Alam din daw niya na marami ang may mga tanong.

 

 

Sey nga niya, “Alam kong marami pong tanong, marami po tayong tanong kung bakit, kung paano, kung ano. Pero gusto ko lang po ipaalam na he’s been battling with this for a while now and he fought a good fight.”

 

 

Inamin ni Elijah na siya rin, dumaan din sa depresyon, pero ang bunsong kapatid daw niya ang isa sa nagpalakas ng loob niya. Kaya para rito, matapang si JM. ‘Yun nga lang, talagang matagal na raw itong lumalaban sa mental health.

 

 

“Sabi nga po ni Daddy kanina, nakilala natin siya bilang masayahin, makulit, may facade na ewan. Pero mabigat na po talaga yung kinakarga niya.

 

 

“Kaya kahit siya na po mismo nagsabi na, he would like all of us to find solace in the fact that he’s in peace right now. Kaya magpasalamat po tayo do’n. Ipagdasal po natin si JM.”

 

 

Nagbigay din si Elijah ng pahayag tungkol sa mental health. Sab inga niya, huwag daw nating maliitin ang mental health.

 

 

“I-check po natin ang isa’t isa at maging mabuti po tayo sa isa’t isa.” aniya.

 

 

“Si JM, ayaw po niya na napagsasabihan, eh, very short po yung patience niya. Ayaw po niya napagsasabihan, mapagalitan, ayaw po niya ng away. Gusto, laging masaya.

 

 

“Kaya gusto rin po naming i-celebrate yung buhay niya. I-celebrate po natin yung buhay niya, ipagdasal po natin siya. Alam ko pong masaya siya na nandito tayong lahat,” umiiyak na pagtatapos ni Elijah.

 

 

***

 

 

CRUSH na crush na pala noon pa ni Batangas Vice Governor Mark Leviste si Kris Aquino. Inamin ito ng politiko sa kanyang panayam kay Butch Francisco for “Pikapika Showbiz” vlog.

 

 

Inalala ni VG Mark nang mag-post si Kris several years ago na open ito for a new relationship at sumagot siya sa comment section.

 

 

“Kalaunan, she allowed me to visit her at her place in BGC at that time, and I would visit her regularly, send her food and flowers. Noon pa man ay malaki na ang paghanga ko sa kanya,” aniya pa.

 

 

Pero nagsimula raw ang kanilang pagkakamabutihan nitong January 1, 2023 nang bisitahin niya ito sa Los Angeles.

 

 

“I texted her days before New Year, I said ‘I’m in town, can I visit you?’ Lo and behold, she replied and allowed me to go to her place. And the rest, as they say, is history. Now, this is our 7th month, going 8th, because August na.”

 

 

Since then ay halos araw-araw na raw silang magkausap. Malapit din daw ang mga anak niya sa dalawang anak naman ni Kris. Ang isang anak niya na nagbabakasyon ngayon sa US at nakatira raw kay Kris.

 

 

Nilinaw din ng politiko na divorced siya, very much single at walang kasabit-sabit. Aniya, very loyal siya kay Kris at wala raw ibang babae sa buhay niya kungdi ito. When asked kung kaya ba niyang panindigan ang fidelity, at mabilis na sagot ng politiko, “yes, of course, fidelity, loyalty, yes.”

 

 

Babalik daw siya sa LA sa Sunday to be with Kris again kaya naman naitanong sa kanya ni Butch kung ‘hello’ na ba ulit at hindi naman pala nagkaroon ng ‘goodbye’ tulad ng post ng Queen of All Media kamakailan.

 

 

“’Yung ‘pause’ na sinabi niya? Ewan ko. Ayokong mag-comment. Ako, ipapasa-Diyos ko ‘yan. I leave my life, even our relationship and status, to God.”

 

 

Pagkatapos nito ay naging seryoso na ang politiko and said, “una sa lahat, ang priority ko naman talaga, ‘yung kanyang paggaling. Kung ako’y nakakatulong man sa kanyang paggaling, ‘yun talaga ang pangarap ko.

 

 

“‘Yun talaga ang aking minimithi. Na gumaling siya sa lalong madaling panahon at mabigyan ako ng biyaya ng ating Panginoon na gamitin ako para sa kanyang paggaling. Anuman ‘yun, Diyos na ang bahala.”

 

 

So there!

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • TORCH RELAY POSIBLENG IKANSELA VS COVID-19 OUTBREAK

    PAG-IISIPAN umano ni Organizing committee Director General Toshiro Muto ang pansamantalang pagkansela sa 2020 Tokyo Olympics torch relay na nakatakdang gawin sa Marso.   Nagbunsod ang desisyon na ito matapos manawagan ng Japanese government na kung maaari lamang ay kanselahain ang malalaking gatherings, tulad ng sporting at cultural events o ‘di kaya naman ay ilipat […]

  • China nagpadala ng 27 barko sa West Philippine Sea

    HINDI bababa sa 27 barko ang ipinadala ng China sa West Philippine Sea (WPS) na isang “major maritime militia rotation”, ayon sa isang maritime security expert.     Ipinadala ang nasa 27 barko ilang araw matapos magkasundo ang Pilipinas at China na bawasan ang tensyon sa rehiyon sa pamamagitan ng diplomasya.     Napaulat na […]

  • Kabastusan sa mga jeep at tricycles, iayos a rin!

    MAY isang nanay ang nagpadala ng hinaing sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa mga bastos daw na rap song na madalas nang pinapatugtog ng mga jeepney drivers habang bumabiyahe.   Ang sumbong sa akin, malalaswa at bastos ang mga kanta na noon lang niya narinig nang sumakay siya ng jeep. Gaya […]