• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grade 12 student tumalon sa Malabon City Hall, dedbol

KAAWA-AWA ang sinapit ng isang binatilyong senior high school student matapos tumalon sa pinakatuktok ng gusali ng Malabon City Hall kahapon (Biyernes) ng hapon sa Malabon City.

 

Basag ang bungo at halos magkadurog-durog ang buto sa katawan ng biktimang si Jefferson Dela Torre, nasa pagitan ng 16 hanggang 17-taong gulang, at Grade 12 ng Ninoy Aquino National High School sa Brgy. Longos makaraang lumagapak sa kalsada ng F. Sevilla Street, harapan ng gusali ng city hall sa Brgy. San Agustin dakong alas-2:16 ng hapon.

 

Ayon kay Malabon police chief P.Col. Jessie Tamayao, unang namataan ang biktima ng mga taong nasa labas ng city hall na nakatayo sa pinakatuktok ng 12-palapag na gusali, suot pa ang uniporme ng kanilang paaralan pasado alas-2:00 na nakuhanan pa ng larawan ng mga nakasaksi.

 

Bukod dito, kumalat na rin sa social media ang video ng malagim na insidente kung saan karamihan sa mga nakapanood ay nagimbal at nagpahayag ng panghihinayang sa bata. May ilan pang komento sa mismong video na dahil sa kabiguan umano sa pag-ibig kaya nagawa nito na tapusin na ang buhay.

 

Sa hindi pa malamang kadahilanan, biglang tumalon ang binatilyo na labis na nagdulot ng sindak sa mga nakasaksi at lumagapak sa lansangan na naging sanhi ng agaran niyang kamatayan.

 

Kaagad na nagresponde ang mga tauhan ng Malabon Police Community Precinct (PCP) 6 upang magkaloob ng seguridad sa lugar at mapigilan ang mga taong lumapit sa bangkay matapos na takpan ng damit ang basag niyang bungo.

 

Ani Col. Tamayao, nagsisiyasat pa ang pulisya sa naturang insidente upang malaman ang dahilan ng ginawang pagpapatiwakal ng binatilyo.

 

Samantala, sa pahayag ni Malabon Mayor Antolin “Len Len” A. Oreta llI, kanyang pinahayag ang pakikiramay sa mga magulang at naiwan ng biktima.

 

“As of the moment, we are still determining the details of the incident, and we are allowing our agents on the ground to perform their job of securing the site and protecting the body. Rest assured that we will report to the public any information as they become available,” ayon kay Oreta.

 

Kanila na rin umanong papaigtingin ang seguridad sa kanilang city hall para maiwasan ang mga katulad na insidente.
“I am ordering the immediate closure of all unnecessary doors and portals in City Hall,” utos pa ng Malabon Mayor. (Richard Mesa)

Other News
  • DOH: COVID-19 cases sa Pilipinas umakyat na sa halos 330,000

    NASA halos 330,000 na ang tinamaan ng pandemic na coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, batay sa pinakabagong data ng Department of Health (DOH).   Ngayong araw nag-ulat ang ahesya ng 2,825 na mga dagdag na kaso ng sakit. Kaya naman ang total ay umakyat pa sa 329,637. Nasa 12 laboratoryo ang bigo umanong makapag- submit […]

  • Tradisyunal na pag- oobserba ng Kuwaresma, malaki ang maitutulong para mapababa ang naitatalang kaso ng COVID-19 – Malakanyang

    HINILING ng Malakanyang sa mamamayang Filipino na gawin ang tradisyunal na pag- obserba ng Mahal na Araw para sa taong ito.   Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito kasi ang mga panahong wala talagang lumalabas kapag panahon ng Mahal na Araw lalo na kapag Biyernes Santo.   Ayon kay Sec. Roque, malaking bagay ito […]

  • Obiena No. 3 na sa world ranking

    MULING umangat si Tok­yo Olympics veteran EJ Obiena sa world ranking na inilabas ng International Athletics Association Fe­deration (IAAF) sa men’s pole vault event.     Sumulong sa No. 3 spot si Obiena na resulta ng kanyang bronze medal fi­nish sa prestihiyosong World Athletics Championships na ginanap sa Eugene, Oregon sa Amerika.     Nakalikom […]