• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Guidelines sa motorcycle taxis inilabas

INILABAS na ng National Task Force Against COVID-19 at ng Department of Transportation (DOTr) ang operational guidelines sa mga motorcycle taxis at mga tricycle back-riding upang mas madagdagan ang pampublikong sasakyan.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat ay maayos ang kalusugan ng mga motor taxi drivers at may sertipikasyon ng clinic na accredited ng Department of Health.

 

Kailangang magsuot ng protective gear gaya ng jacket o long-sleeve shirt, closed shoes, long pants habang nasa biyahe ang driver at pasahero.

 

Dapat din may reflectorized vest na may motorcycle taxi branding at identification card, at siguraduhin na lahat ng drivers ay bahagi ng DOTr, TTWG, motorcycle taxi pilot study driver master list.

 

Kailangan ding may sariling helmet na may full-face visor habang nagbibiyahe na magsisilbing face shield. Magsuot ng face mask na natatakpan ang ilong at bibig.

 

Kukunin din ang body temperature at motorcycle sanitation report bago magsimulang bumiyahe sa motorcycle network company o ride-hailing service.

 

Titiyakin din na ang mga kamay ng driver at pasahero ay nag-sanitize bago sumakay ng motorsiklo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • LRTA: Fare hike di minamadali

    WALA sa plano ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na madaliin ang pagpayag na magkaroon ng pagtataas ng pamasahe sa Light Rail Transit Lines 1 & 2.     “The fare hike request must go through the regulatory process such as public consultations. Thus, there is no rush the approval of a petition for fare […]

  • PNP Chief Debold Sinas nagpositibo sa COVID-19

    Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo sa Covid-19 virus si PNP Chief Gen. Debold Sinas.     Sa isang sulat na inilabas mula kay NP Chief, kaniyang kinumpirma na nagpositibo siya sa virus batay sa RT-PCR swab test na inilabas ng PNP Health Service kaninang umaga, March 11,2021.     Sa unang tatlong […]

  • OFFICIAL TRACE APP, INILUNSAD SA MAYNILA

    INILUNSAD  kahapon sa lungsod ng Maynila ang Official Tracer App ng Pilipinas para sa mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Nanguna sa launching ng naturang App, na tinatawag na ‘staysafe.ph’ ay sina Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, COVID testing Czar Secretary Vince Dizon, Tracer Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, at […]