Hall of Famers, sinala ng PSC
- Published on February 19, 2020
- by @peoplesbalita
INUMPISAHAN na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagpili sa mga ilalagak sa 2020 Philippine Sports Hall of Fame kahapon (Martes) ng umaga sa PhilSports Complex sa Pasig City.
Nangunguna sa Philippine Sports Hall of Fame (PHOF) 2020 Committee sina PSC Chairman William Ramirez bilang tagapangulo, at Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino na tatalakay sa mga nominasyon at pagpili ng mga kandidato.
“We want to get a good lead time since the selection process is an arduous exercise. We have a lot of athletes truly deserving to be enshrined in Hall of Fame,” esplika ni Ramirez nitong Lunes. “We hope to get more nominations this edition.”
Magsasadya rin sa okasyon ang miyembro ng screening na binubuo nina Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Mitra, POC Secretary General Edwin Gastanes, Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling Secretary General Avelino Sumagui; University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Executive Director Rene Saguisag Jr., at Philippine Olympians Association President Gilian Akiko Guevara.
Ang HOF o Republic Act No. 8757 ang pagkilala sa mga Pilipinong atleta, coach, at trainor na nagbigay ng kanilang buong kakayanan, talino at husay para sa iaangat ng bansa maliban sa pagbibigay dangal at prestihiyo sa lahing Pilipino sa kabuuang ng kanilan career at pagpapakita ng mabuting ugali bilang atleta.
Unang qualification ang nanalo dapat ng gold medal sa Southeast Asian Games, silver medal sa Asian Games o Asian Cup o regional games, bronze medal sa Olympics, o isang world championship title alinman sa professional o amateur sports.
Ilan sa mga nakalipas na taong nahanay na awardees sina boxing legend Gabriel Elorde, chess player Eugenio Torre, tracksters Lydia de Vega Mercado, at bowlers Rafael ‘Paeng’ Nepomuceno, Olivia ‘Bong’ Coo at iba pa. (REC)
-
Mikee Mojdeh hakot ng 7 golds sa Thailand
GUMAGAWA rin ng pangalan si Behrouz Elite Swimming Team (BEST) tanker Mikhael Jasper ‘Mikee’ Mojdeh matapos kubrahin ang Most Outstanding Swimmer (MOS) award sa 2024 Asian Open Schools Invitational Age Group Swimming Championships na ginanap sa Bangkok, Thailand. Humakot ang Immaculate Heart of Mary College-Parañaque standout na si Mojdeh ng kabuuang […]
-
Omicron 2 ulit na mas nakakahawa sa Delta
Pinaniniwalaan ng independent OCTA Research Group na dobleng mas nakakahawa umano ang bagong Omicron variant kaysa sa Delta variant ng COVID-19 base sa datos na lumalabas mula sa South Africa. Sinabi ni Dr. Guido David, fellow ng OCTA, na dalawang beses na mas maaaring maipasa ang COVID-19 Omicron variant na nananalasa ngayon sa […]
-
COVID-19 positivity rate sa NCR, bumaba sa 7.8 percent – OCTA
BUMABA ng may 7.8 percent ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) nitong Nobyembre 7 mula sa 9.5 percent noong October 31. Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA research group, ang positivity rate ay yaong bilang ng mga taong napapatunayang may virus makaraang sumailalim sa COVID-19 test. Sinabi ni David […]