Hangga’t hindi nakakaapekto sa work nila: Isyu ng hiwalayan nina TOM at CARLA, hindi pinakikialaman ng GMA
- Published on March 14, 2022
- by @peoplesbalita
MARAMI nang excited, lalo na ang mga fans ni Bianca Umali, sa world premiere tonight ng first romantic-comedy series na ginawa ng Kapuso actress, ang Mano Po Legacy: Her Big Boss, na first time nilang pagtatambalan ni Ken Chan.
Ibang-iba kasing Bianca ang mapapanood dito, na kahit ang actress ay nanibago at inaming napagod siya sa mga eksena niyang ginawa dahil, kabaligtaran ito ng tunay niyang ugali na isang introvert, tahimik lamang lagi.
Samantalang si Irene Pacheco ay loud, happy, wacky, jolly at sinabayan niya ang nanay niya, played by her Mamang Pokwang. Kayo na ang humusga mamaya 9:45 pm sa GMA-7, after ng Widows’ Web.
***
ALMOST three months na ring lumabas ang hiwalayan issues sa pagitan ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana, pero nanatiling nag-iisip ang netizens kung ano ang reason ng paghihiwalay nila.
Kaya may nagtanong din kung hindi ba mamamagitan sa kanila ang GMA Network? Sa isang interview, sinagot ito ng isa sa mga executives, si Joey Abacan.
May line daw sila between professional and personal matters sa kanilang mga artista, liban na lamang kung alam nilang makakaapekto na ito sa kanilang trabaho, lalo na kung love team sila or mag-asawa sa project na ginagawa nila, maapektuhan nito ang show.
Kung personal nang humihingi ng advice sa kanila ang mga artista, pwede siguro silang pumasok, pero dapat daw ingat na ingat pa rin sa pagbibigay ng advice.
***
NATANONG din sa interview si Joey Abacan tungkol sa pagtatayo ng broadcast network ni former Senator Manny Villar, may bago na silang kakumpetesiya ngayon.
“Ang dami na nating nakalaban at ang dami na ring tumapat sa atin. Laro ito, eh. So maglaro tayo nang masaya. May mananalo at may matatalo,” sabi niya.
“I welcome it because in a way, marami ang magkakatrabaho muli sa industriya. Everytime na may sumusulpot na ganyan, merong nagkakatrabaho. Masarap din iyong may kumpitensiya. It keeps us on our toes. Masarap yung laro. Ang corny naman kung wala tayong kalaban. Maganda rin yung may competition so that you see the other side of the fance as well.”
(NORA V. CALDERON)
-
DOH: ‘Arcturus’ cases sa bansa nadagdagan ng 3; local transmission mukhang posible
NADAGDAGAN pa ng tatlong kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariant XBB.1.16 o Arcturus ang nakita sa Pilipinas — ito ipinagpapalagay ng Department of Health na meron na nitong “local transmission” sa bansa. Lumalabas sa pinakabagong COVID-19 biosuriellance report mula ika-26 ng Abril hanggang ika-6 ng Mayo na nanggaling sa Western Visayas ang mga […]
-
PSL beach volleyball dinagsa ng suporta
SANGKATERBA ang mga suporta sa 6th Philippine SuperLiga o PSL Challenge Cup beach volleyball tournament 2020 sa Nobyembre 26-29 sa Subic Freeport. Nabatid ng OD kay PSL chairman Philip Ella Juico, na maayos ang team owners meeting sa nakaraang Lunes at kumpiyansa siyang magiging ligtas at maaksyong torneo sa harap ng Coronavirus Disease o […]
-
Naturukan na ng Covid -19 vaccine ang 100k Tsinoy na nagtratrabaho sa POGO sa Pinas
WALANG impormasyon si Presidential Spokesperson Harry Roque sa sinabi ni civic leader Teresita Ang-See na may 100,000 Chinese POGO workers na ang naturukan ng bakuna laban sa COVID-19. “Wala po akong impormasyon kung kung man totoo edi mabuti, 100,000 less possible carriers of the Covid -19 virus,” ayon kay Sec. Roque. Ukol naman […]