Higit 100,000 staff ide-deploy sa census nationwide
- Published on August 29, 2020
- by @peoplesbalita
Inaanyayahan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang publiko na makiisa sa 2020 Census of Population and Housing na gagawin sa darating na Setyembre 2020.
Sa launching ng 2020 census, binigyan diin ni PSA undersecretary at National Statistician Dennis Mapa ang kahalagahan ng naturang hakbang na pinaglaanan ng P3.8 billion na pondo.
Iginiit ni Mapa na ang mga impormasyon na malilikom sa census ay malaki ang maitutulong sa iba’t ibang pangkat ng gobyerno para sa pag-develop ng mga ito ng kani-kanilang mga programa, gayundin sa iba pang mga sektor ng lipunan.
Iba’t ibang pamamaraan ang gagamitin ng PSA sa census na gagawin sa buong buwan ng Setyembre bilang tugon sa hamon na hatid ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Mapa, magkakaroon ng option ang publiko kung sila ay payag sa face-to-face interview o gawin na lamang ito via telephone o online.
Maari rin aniya na sagutan na lamang ang self-administered questionnaire na personal na ihahatid ng mahigit 100,000 enumerators na magiikot sa buong bansa.
Tintitiyak rin ni Mapa ang mahigpit na pagsunod ng mga enumerators sa health at safety protocols na inilatag ng pamahalaan.
Mahigpit din aniya ang kanilang koordinasyon sa mga local government units patungkol naman sa mga high-risk areas, para sa mga necessary adjustments na kanilang maaring gawin.
Binigyan diin ni Mapa na lahat ng mga malilikom na impormasyon sa census ay highly confidential at hindi magagamit sa ibang paraan.
Mababatid na base Batas Pambansa Bilang 72 at Executive Order 352, obligado ang Philippine Statistics Authority na magsagawa ng census of the population and household kada 10 years . (Daris Jose)
-
Fertilizer at pesticides subsidy sa magsasaka, palawigin
BILANG tugon sa panawagan ng mga magsasaka ukol sa patuloy na pagtaas sa gastos sa mga farm inputs, ipinanukala ni AGRI-Party-list Rep. Wilbert Lee na magtatag ng fertilizer and pesticides subsidy program. Sa ilalim ng House Bill No. 3528 o National Fertilizer Subsidy Act, ang Department of Agriculture (DA) ay magpapatupad ng National […]
-
Tricycle driver sinaksak ng nakaaway sa birthday party
NASA kritikal na kalagayan ang isang tricycle driver matapos saksakin ng kanyang nakaaway sa isang inuman sa birthday party sa Malabon city, kahapon ng madaling araw. Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa likod ang biktimang si Mark Joseph De Guzman, 33, ng 10 Nadala, Merville Subd. Brgy. Dampalit. Pinaghahanap […]
-
Panibagong taas-presyo ng sardinas at noodles, inalmahan ng Gabriela Partylist
INALMAHAN ng Gabriela Partylist ang panibagong taas-presyo ng sardinas at instant noodles na inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa gitna ng lumalalang kagutuman at krisis. Batay sa ulat, aprubado ang 3%- 6% na taas-presyo sa 67 na batayang bilihin at maaari pang umabot sa 10% ang taas-presyo batay sa iba […]