• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HIGIT 2.2 BILYONG HALAGA NG GAMOT ITINATAGO NG DOH

PDu30, inatasan ang DOH na ipamahagi ang mga medisina na malapit nang mag-expired.

 

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Health (DOH) na ipamahagi ang mga medisina na malapit nang mag- expired kung saan isinisisi ng Commission on Audit (COA) ukol sa poor inventory at supply management system.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, base sa 2019 audit report, sinabi ng COA na nagtatago ang DOH ng P2.2 bilyong halaga ng expired, over- stocked o malapit nang mag- expired na gamot at maging ng medical at dental supplies.

 

Sinabi pa ng COA na ang malapit nang mag-expired na gamot ay kasama sa kuwenta ng P1.024 billion.

 

“Ang mandato po ng Presidente sa DOH lalung-lalo iyong mag-i- expire na, paki-distribute na po nang hindi masayang at iyong mga overstock at slow moving naman po ay ilabas na po natin sa ating mga warehouse nang magamit ng ating kababayan,” ayon kay Sec. Roque

 

Sinabi pa ng COA na ang pangyayaring na expired, over- stocked at malapit nang mag- expired na inventory items ay manipestasyon lamang na mayroong “excessive expenditure since items were procured more than what is needed.”

 

Kaya nga, inirekomenda ng COA sa DOH na rebisahin ang kontrata lalo na iyong mga exist- ing suppliers, sanayin na ingatan ang paggamit ng government resources, mahigpit na ipatupad ang timeline ng distribusyon/ paglilipat ng mga inventory at bilisan ang pamamahagi ng malapit nang mag-expired na medisina.

 

Hinikayat din ng COA ang DoH na bumalangkas ng internal control policies para mabawasan ang nangyayaring expired drugs. (Daris Jose)

Other News
  • Donasyong COVID-19 vaccine ng China, depende na sa DOH – FDA

    Ipinauubaya na ng Food and Drugs Administration (FDA) sa Department of Health (DOH) kung gagamitin ang mga donasyong bakuna ng China kahit na wala pa itong Emergency Use Authorization (EUA) sa Pilipinas.   Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni FDA Director-General Usec. Eric Domingo, sang-ayon sa batas hindi namang ipinagbabawal ang pagtanggap ng gobyerno […]

  • DoH nagpaliwanag sa pagpayag na optional na ang pagsusuot ng face mask sa outdoor

    DUMIPENSA ang Department of Health (DOH) sa pagpayag nila sa lifting ng mga pagsusuot ng face mask o magiging optional na lamang sa mga outdoors.     DOH Undersecretary at OIC Maria Rosario Vergeire, ginawa nila ang desisyon batay na rin sa pahayag ng World Health Organization na ang face mask mandates ay dapat nakapokus […]

  • Key players may tsansa pa sa National Team

    Magsisilbing basehan ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang Premier Volleyball League (PVL) Open Conference para punan ang nalalabing slots sa national team.     Ayon kay women’s national team head coach Odjie Mamon, may ilang slots pa itong kailangan sa koponan kabilang na ang libero, setter at outside hitter positions.     “We definitely […]