Higit P1 milyon shabu, nasabat sa HVI tulak sa Caloocan
- Published on December 24, 2024
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P1 milyon halaga ng shabu makaraang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Col. P/Capt. Regie Pobadora ang naarestong suspek na si alyas “Kuya”, 47, ng Sta Monica, Hagonoy, Bulacan.
Ayon kay Capt. Pobadora, ikinasa nila ang buy bust operation matapos magawang makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa kanyang mga tauhan ng P36,000 halaga ng shabu.
Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na poseur buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba ng DDEU dakong alas-3:18 ng madaling araw sa Sta Quiteria, Brgy. 161, Caloocan City.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 150 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P1,020,000.00, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at 35-pirasong P1,000 boodle money, sling bag, cellphone keypad, at gamit niyang motorsiklo.
“This operation is a testament to the NPD’s unwavering commitment to eradicating illegal drugs and creating a safer environment for the residents of Metro Manila,” ani NPD Director.
“We urge the public to continue supporting our efforts by reporting any illegal drug activity to the authorities. Together, we can make our communities safer.” dagdag niya.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under the Republic Act (R.A.) 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Rematch ni Donaire kay Inoue itinakda na sa Hunyo
ITINAKDA na sa Hunyo ang rematch fight ni Filipino boxer Nonito Donaire kay Japanese Naoya Inoue. Gaganapin ang bantamweight title unification fight sa June 7 sa Saitama, Japan na magiging mas mainit aniya ito kumpara sa unang paghaharap ng dalawa noong 2019. Nakataya dito ang WBA at IBF titles ng unbeaten […]
-
Sec.Andanar, nagpaabot ng panalangin sa agarang paggaling ni Sec. Diño na nagpositibo sa Covid-19
NAGPAABOT ng panalangin si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar para sa mabilis na paggaling ni Presidential Assistant for the Visayas Michael Lloyd Diño na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19). “We extend our prayers of speedy recovery and good health to Presidential Assistant for the Visayas Secretary Michael Lloyd Diño after […]
-
DOH: Ligtas ang ginagamit na flu vaccines sa Pilipinas
NILINAW ng Department of Health (DOH) na ligtas ang flu vaccines na ginagamit ngayon sa Pilipinas kasunod ng mga naitalang death cases nito sa South Korea. Batay sa report ng Centers for Disease Control and Prevention ng Estados Unidos, 59 na ang namatay sa South Korea as of October 26 matapos maturukan ng flu […]