• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit P100K droga, nasabat sa 4 na tulak sa Navotas

BAGSAK sa kulungan ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu nang malambat sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.

 

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang mga naarestong suspek na sina alyas “Benjamin”, 22, at alyas “Marvin”, 25, kapwa residente ng Manila.

 

 

Ayon kay Col. Cortes, ikinasa ni P/Capt. Luis Rufo Jr., hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation nang magpositibo ang natanggap nilang impormasyon na dumadayo pa umano ang mga suspek sa lungsod para magbenta ng shabu.

 

 

Nang tanggapin umano ng mga suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba dakong alas-10:10 ng gabi sa Lapu-Lapu Street Barangay San Roque.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.3 grams ng suspected shabu na may standard drug price value na P70,040.00 at buy bust money.

 

 

Bandang alas-4:04 ng madaling araw nang madakma naman ng kabilang team ng SDEU ang dalawa ring tulak na sina alyas “Tukmol” at alyas “Kalut”, sa buy bust operation sa Babanse St. Brgy. NBBS.

 

 

Ani Capt. Rufo na nanguna sa operation, nasamsam sa mga suspek ang nasa 10.26 gramo ng hinihinalang shabu na katumbas na halagang P69,768.00 at buy bust money.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director Ligan ang Navotas police sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga taong nagpapalakat ng ilegal na droga kung saan patuloy aniyang sinusuportahan ng NPD ang mga inisyatiba na nagtataguyod ng kaligtasan ng publiko at ang kapakanan ng komunidad.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

 

Other News
  • FEEDER ROUTES ng mga PAMPUBLIKONG SASAKYAN NA MAARING TAMAAN ng MASS-TRANSPORT TRANSIT, PAGHANDAAN!

    Magandang balita sa mga pasahero na nasimulan na o sisimulan na ang mga mass-transport system lalo na sa Metro Manila.  Mas mabilis, mas maginhawa at mas maraming maisasakay.  Ang kailangan din na paghandaan ay yung mga feeder routes ng mga jeeps, UV express, at buses na kakailanganin para makarating ang mga pasahero sa mga istasyon ng […]

  • Bed capacity ng NKTI at St. Lukes Medical Center napuno na

    Napuno na ang bed capacity ng St. Luke’s Medical Center at National Kidney and Transplant Institiute.   Ito ay matapos ang patuloy na paglobo ng mga pasyente na dinapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang naitakbo sa pagamutan.   Dahil dito ay naglabas ng pahayag ang dalawang institusyon na lumipat na lamang sa ibang […]

  • 4 DRUG PERSONALITIES HULI SA 408-K SHABU

    NASAMSAM sa apat na hinihinalang drug personalites na nasakote ng pulisya sa buy-bust operation ang higit sa P.4 milyon halaga ng shabu sa Caloocan city.     Kinilala ni PLTCOL Giovanni Hycenth Caliao I, hepe ng NPD-DSOU at DDEU ang mga naarestong suspek na si Rommel Villanueva, 40, Arthur Peñalosa, 42, Hernan Potoza, 23, at Resty Santiago, 26, habang pinaghahanap pa […]