Holmqvist at Enriquez patatalimin ng Ginebra
- Published on March 17, 2021
- by @peoplesbalita
MAAARING wala sa hinagap ng mga kalaban ang unang dalawang biningwit ng Barangay Ginebra San Miguel sa virtual 36th Philippine Basketball Association Draft 2021 nitong Marso 14 sa TV5 studio sa Mandaluyong.
Kinalabit ng Gin Kings sa paggamit ng 12th pick sa first round ang si 6-foot-8 center na Ken Holmqvist. Isinunod pagkaraan para sa No. 1 selection ng second round o 13th overall choice si Brian Enriquez.
Nakakampanya para sa Far Eastern University Tamaraws ang Fil-Norwegian na si Holmqvist, pandagdag na size ng Gin Kings sa gitna pamalit sa bagong dating na si Christian Standhardinger. May disenteng perimeter shooting ang 25-anyos na sentro.
Pero ayaw pa niyang malaki ang asahan kaagad sa kanya ng alak. Mas gusto niyang hasain pa ang kanyang laro ngayong napunta sa crowd favorite squad.
“I’m gonna work on my game everyday,” bulalas niya via Zoom.
Hindi rin matunog ang 6-3 Fil-Am guard na si Enriquez, pero maayos ang kredensiyal bilang produkto ng United States National Collegiate Athletic Association Division II school William Woods University sa Missouri.
Nakapasa aniya aniya na ang pinakasikat na koponan pa sa propesyonal na liga ang kumuha sa kanyang serbisyo.
“I wanna thank coach (Earl Timothy) Tim Cone and the Ginebra family for taking a chance on me. I’m just really grateful and blessed,” lahad ni Enriquez, 25, sa Zoom din. “I’m just really looking forward to learning the culture of basketball here.”
Sa April 11 pa magbukas ang 46th PBA 2021 Philippine Cup. (REC)
-
6 dagdag na benepisyo sa health workers isinulong
Makakakuha ang frontline health workers ng anim na dagdag na benepisyo tuwing may public health emergency, kapag naisabatas ang panukalang isinumite ni Sen. Kiko Pangilinan. Layon ng “Health Workers Protection During Public Health Emergencies Act” ni Pangilinan na pagtibayin ang dagdag na benepisyo para sa public at private health care workers na may […]
-
PBBM ayaw nang pag-usapan tungkol kay VP Sara
HINDI na pinatulan pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga banat ni Vice President Sara Duterte laban sa kanya. Sa pagbisita ng Pangulo sa mga labi ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, natanong siya tungkol sa pahayag ni VP Duterte […]
-
Eala sablay sa ‘Sweet 16’
Yumukod si Alexandra Eala kay Simona Walterts ng Switzerland, 6-4, 2-6, 7-5, sa rematch sa opening round ng International Tennis Federation (ITF) W15 Manacor tournament sa Manacor, Spain nitong Miyerkoles ng gabi. Kontrado ang 15-anyos na Pinay mula sa Quezon City, reigning Women’s Tennis Association (WTA) No. 763, Rafael Nadal Academy (RNA) athletic […]