• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Honest mistake’ – Mayor Abby

Humingi ng paumanhin kahapon si Makati City Mayor Abigail Binay kaugnay sa viral video ng isang volunteer nurse na hindi naiturok ang lamang COVID-19 vaccine sa isang indibidwal.

 

 

Ani Mayor Abby, isang honest mistake ang nangyari na agad namang naitama.

 

 

“We acknowledge the video, it was a human error on the part of the volunteer nurse. It happened last June 25. June 26, the video was shown to us na hindi po siya (indibiduwal) nabakunahan, we apologize to the public [for this],” ani Binay.

 

 

Makikita sa nag-viral na video na ang isang health worker ay nagturok sa braso ng isang vaccine recipient na hindi naman itinulak ang plunger,kaya naiwan pa ang laman sa syringe.

 

 

Kasabay nito, umapela na rin ang alkalde ng pang-unawa at nakiusap na huwag nang i-bash ang volunteer nurse at huwag sirain ang ginagawang COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

 

 

“Maawa po tayo sa nurse, kusang-loob po siya naglaan ng kanyang oras, tao lang po, napapagod, naitama naman agad ang pagkakamali. Humihingi rin siya ng tawad and we are giving an assurance na hindi na uli mangyayari ito,” giit ni Mayor Abby.

 

 

Iginiit niya sa ipinaskil sa facebook page ng makati City government na isang insidente ng human error lamang ang nasabing pangyayari. (Daris Jose)

Other News
  • “CREED III” THE FIRST SPORTS MOVIE SHOT ON IMAX CAMERAS

    STARTING March 1, experience “Creed III” — the first sports movie to be shot on IMAX cameras — as Director Michael B. Jordan intended, with Filmed-For-IMAX technology and its exclusive Expanded Aspect Ratio.       The hits have more impact, the mats vibrate louder, the lights are brighter!     Watch the film’s “A Look […]

  • BARANGAY ELECTION, PINAGHAHANDAAN PA RIN NG COMELEC

    TINITINGNAN ng Commission on Elections (Comelec) na ipagpatuloy ang voters registration sa susunod buwan bilang preparasyon para sa  Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Dec. 5, 2022.     Sa kanyang pahayag, sinabi ni  acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na ang panukala ay   para magsagawa ng voters registration mula July 4 hanggang 30. […]

  • 94% ng NCR public schools, nakapag-full face to face classes na

    INIULAT ng Department of Education (DepEd) na 94% na ng mga public schools sa National Capital Region (NCR) ang na­kabalik na sa pagdaraos ng limang araw na full face-to-face classses simula kahapon, Nobyembre 2.     Ito ay mahigit dalawang taon matapos ang pagsisimula ng COVID-19 pandemic.     Base sa ulat ng DepEd-NCR, sinabi […]