• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hoping na madagdagan para mas marami ang makapanood: MIGUEL at YSABEL, parehong nalungkot na konti lang sinehan ng ‘Firefly’

ISANG isyu tungkol sa ‘Firefly’ ay ang pagkakaroon ng kakaunting sinehan na pinagpapalabasan nito ngayong Pasko.

 

 

Ano ang masasabi ni Ysabel Ortega tungkol dito?

 

 

Lahad ni Ysabel, “Of course we’re hoping na as the days go by mas dumami ang sinehan kasi naniniwala po talaga kami sa pelikula.

 

 

“And siyempre gusto namin ng chance na maipakita sa mga tao kung gaano kaganda itong film na ‘to so hopefully talaga hopefully once mapanood nila.

 

 

“Hopefully yung mga reviews that are coming out will be enough para madagdagan pa yung mga sinehan namin.

 

 

“We’re hoping for the best.”

 

 

Tinanong namin si ‘Ysabel’ kung pang-acting award ba ang ipinakita niya sa Firefly?

 

 

“Yung movie talaga na ito is really yung istorya nung mag-nanay so n aniniwala kami na yung performance nila is pang-award winning talaga so we’re rooting for them,” pahayag pa ni Ysabel na ang tinutukoy ay ang mga bida sa pelikula na sina Alessandra de Rossi (bilang si Elay) at Euwenn Mikaell (bilang si Tonton).

 

 

Mula sa GMA Pictures at GMA Public Affairs at sa direksyon ni Zig Dulay at panulat ni Angeli Atienza, nasa cast rin ng ‘Firefly’ sina Cherry Pie Picache, Yayo Aguila, Max Collins, Kokoy de Santos, Epy Quizon at si Dingdong Dantes.

 

 

***

 

 

“AKO personally malungkot,“ ang deretsahang pag-amin naman ni Miguel Tanfelix nang tanungin rin namin tungkol sa kakaunting sinehan ng Firefly na entry sa MMFF 2023.

 

 

“Dahil pag maganda yung output ng ginawa niyo, siyempre inaasahan mo, gusto mo mapanood ng maraming tao.

 

 

“Na matuto sila sa film ma-appreciate nila yung film.

 

 

“Kaso iyon nga, pag konti yung sinehan mas less yung opportunity nilang mapanood yung film namin kaya… hindi ko naman alam yung proseso diyan so ang magagawa ko na lang is malungkot,” at natawa si Miguel.

 

 

Umaasa rin si Miguel, tulad ni Ysabel, na habang dumadaan ang araw, sa pamamagitan ng word of mouth tungkol sa kagandahan ng ‘Firefly’, ay mas dumami pa ang mga sinehang pagpapalabasan nito.

 

 

“Iyon na nga e, so kailangan word of mouth na ibalita nila sa mga kapitbahay nila, Kapamilya nila, Kapuso nila, na Maganda yung film namin dahil kami, naniniwala kami sa film.”

 

 

Pang-award ba ang acting ni Miguel sa Firefly?

 

 

“Ibigay na po natin sa film, kay direk, kay ate Alex, kay Euwenn.

 

 

“Kami, kung bibigyan niyo po bakit hindi,” at tumawa si Miguel.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Jobless tumaas ng 1.8% nitong June – SWS

    Tumaas ng may 1.8 percent o may 13.5 milyong katao ang jobless noong nagdaang Hunyo dulot ng umano’y mahabang panahon ng pagpapatupad ng lockdown sa bansa sanhi ng Covid-19 pandemic.     Ito ay batay sa lumabas na SWS survey nitong June na may 27.6 percent o 13.5 milyon ang jobless mas mataas ng 1.8% […]

  • Voter’s registration sa mga mall, aarangkada sa Disyembre

    MAGPAPATULOY  muli ang pagsasagawa ng voters registration sa limang piling shopping malls sa National Capital Region (NCR) sa dara­ting na Disyembre 17.   Ito ay makaraang aprubahan ng Commission on Election (Comelec) en banc noong Oktubre 26 ang operational plan ng ‘Register Anywhere Project’ (RAP) ng komisyon.   Subalit, tutukuyin pa sa mga susunod na […]

  • 6 drug suspects nadamba sa buy bust sa Valenzuela

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kahapon ng madaling araw.     Sa imbestigasyon ni PCpl Christopher Quiao, dakong 3:20 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) […]