• April 8, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HVI, laglag sa DDEU-NPD, higit P.7M tobats nasabat

MAHIGIT P700K halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspects na kapwa itinuturing bilang High Value Inidividual (HVI) matapos magbinta ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PLTCOL Timothy Aniway Jr na ikinasa nila ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA at sa tulong ng Valenzuela Police Sub-Station 7 matapos ang natanggap na reklamo hinggil sa umano’y illegal drug activities nina alyas “Eric”, 43, at alyas “Totoy”, 64, kapwa ng Brgy. Bignay.

Nang matanggap ang hudyat mula sa isa nilang kasama na nagpanggap na buyer na positibo na ang transaksyon, agad pinasok ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni P/Capt. Regie Pobadora ang isang bahay sa Northville 2, Brgy. Bignay saka dinamba ang mga suspek dakong alas-4:35 ng hapon.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 109 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P741,200.00, buy bust money isang tunay na P500 bill at 23 P500 boodle money at itim na sling bag.

Kasong paglabag sa  RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya laban sa mga suspejk sa piskalya ng Lungsod ng Valenzuela.

Pinuri ni COL. Ligan ang mga operatiba ng DDEU sa kanilang mabilis na pagkilos sa pagbuwag sa isa pang operasyon ng ilegal na droga, na nagpapatibay sa pangako ng NPD na panatilihing ligtas mula sa illegal na droga ang mga komunidad ng CAMANAVA. (Richard Mesa)

Other News
  • Willie Revillame, naipamigay na ang P5M ayuda para sa higit 3,000 jeepney drivers

    Maayos na naipamahagi ni Willie Revillame ang limang milyong pisong ayuda para sa jeepney drivers ngayong Miyerkules ng tanghali, August 19.   Personal itong inasikaso ni Willie.   Sa central office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tinipon ang transport leaders at jeepney drivers na hindi miyembro ng kahit anong transport group.   Nakatanggap […]

  • Gilas reresbak sa Saudi

    IBUBUHOS na ng Gilas Pilipinas ang lahat upang masikwat ang panalo laban sa Saudi Arabia sa pagpapatuloy ng fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.     Magtutuos ang Gilas Pilipinas at Saudi sa alas-7 ng gabi kung saan inaasahang daragsain ang venue upang […]

  • Pagdanganan tabla sa ika-68, nakapagsubi pa rin ng P249K

    HULI na ang pag-init ni Bianca Pagdanganan sa binirang two-under 69 para sa nine-over 297 na naglagak lang sa kanya kabuhol si American Angela Stanford sa 68th place na may tig-$5,189 (₱249K) prize sa pagtiklop ng 10th CME Group Tour Championship 2020 sa Tiburon Golf Club Gold course sa Naples, Florida na pinangunahan ni Ko […]