• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IATF, aprubado ang retroactive application ng testing, quarantine protocols para sa int’l arrivals

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang retroactive application ng testing at quarantine protocols para sa mga international travelers.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ni Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na inaprubahan ng IATF ang retroactive application ng Resolution 157, na ipinasa , araw ng Huwebes.

 

 

Sa ilalim ng IATF Resolution 157-E,  ang testing at quarantine protocols para sa Green and Yellow List countries ay dapat nang i-apply sa mga paparating sa Pilipinas, “on or before January 13, 2022.”

 

 

“Also, the IATF clarified that foreign nationals coming from Red List countries and allowed admission in the country under existing IATF rules may enter the Philippines provided they have valid or existing visas,” ayon kay Nograles.

 

 

Aniya, ang pagpasok ng mga ito sa bansa ay “subject” sa immigration laws, rules, and regulations ng Pilipinas.

 

 

Nauna nang inanunsyo ni Nograles ang pagbawi ng bansa sa pagbabawal na makapasok sa Pilipinas ang qualified travelers mula Red List countries, o mga lugar na may high risk ng COVID-19 infection.

 

 

“Currently, only Filipinos, balikbayan, and those with long term visas are allowed to enter the country,” ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente sabay sabing  “Those holding tourist visas are still not permitted to enter.”

 

 

Samantala, tinukoy naman ng Malakanyang na simula sa Pebrero 16, ang lahat ng foreign nationals na pinayagang makapasok ng Pilipinas ay required na magpakita ng pruweba ng full vaccination. (Daris Jose)

Other News
  • DOTr: Walang nangtaas-pasahe ngayon 2022

    TINIYAK noong  Lunes ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na magtataas ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan hanggang matapos ang 2022.   Ayon kay transport Secretary Jaime Bautista hulina ang inaprubahang taas-pasahe sa marmaming public utility vehicle (PUVs) noong Setyembre.   “This coming holiday season, we make it sure that there will be no […]

  • HEALTH SEC DUQUE, ‘SABLAY’ SA PFIZER VACCINE

    “There’s no such a thing as somebody dropping the ball. It is really an ongoing negotiation,” ani Duque sa isang press briefing nitong Miyerkules.   Agad dumepensa si Health Sec. Francisco Duque III mula sa kontrobersyal na online post ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na naglantad sa isang opisyal na humarang umano sa dapat […]

  • “Mixing and matching” ng bakuna laban sa Covid-19, pinag-aaralan pa- Malakanyang

    HANGGANG sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa rin ang posibilidad na paggamit ng isang tao na magkaibang brand ng bakuna laban sa covid 19 para sa kanyng 1st dose at 2nd dose.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hanggang ngayon ay wala pa ring konklusyon ang mga dalubhasa sa usaping ito.   “Specifically, dahil ang […]