• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang Cabinet, PSG members nauna na sa bakuna

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ilang miyembro ng Gabinete at Presidential Security Group (PSG) ang nabakunahan na laban sa COVID-19.

 

Ito’y kahit pa sinabi na ng Food and Drugs Administration (FDA) na wala pa silang COVID-19 vaccine na inaaprubahan sa Pilipinas.

 

Gayunman, tumanggi si Año na pangalanan kung sinu-sino ang mga persona­lidad na nabigyan na ng bakuna dahil confidential ito at posibleng malabag aniya niya ang privacy ng mga ito.

 

“Alam mo kasi that is what you call privacy, kumbaga confidential ‘yun eh. You cannot divulge because I might be viola­ting his privacy, but I know some from the Cabinet and from the Presidential Security Group,” ayon pa kay Año, sa panayam sa radyo.

 

Kaugnay nito, nagpahayag ng paniniwala si Año, na ang mga bakuna ay maaari nang magamit lalo na ng mga health workers at iba pang frontliners dahil may emergency use authorization (EUA) naman ito, kahit hindi pa ito pormal at pinal na naaaprubahan.

 

“’Yung mga gamot na ‘yan may EUA yan eh, emergency use authorization. Kahit na hindi pa ‘yan formally and finally approved, in times of pandemic, puwede gamitin ‘yan ng mga tinatawag nating health workers, frontliners,” paliwanag pa niya. “’Yun ‘yung essence noon eh, bakit mo aantayin ‘yung final approval kung nangamatay na ‘yung mga health workers at mga frotliners?” sabi pa ni Año.

 

Kinumpirma rin kahapon ni PSG Chief B/Gen. Jesus Durante III na nabigyan na ng bakuna laban sa COVID-19 ang mga miyembro ng PSG.

 

Sa inilabas na statement ni Durante, sinabi nito na ang pangunahing trabaho ng PSG ay protektahan ang pinakamataas na lider ng bansa at sa kasalukuyang pandemya, dapat matiyak na hindi sila mismo ang maglalagay sa panganib sa kalusugan at kaligtasan ng Pangulo.

 

Ang desisyon aniya ng PSG ay isang matapang na hakbang para sa pagtupad sa tungkulin. Ang pagpapabakuna aniya ay hindi nila ginawa para sa personal na kadahilanan kundi dahil sa isang mas mataas na layunin na protektahan ang Pangulo.

 

Una na ring sinabi ni Pang. Rodrigo Duterte na marami ng tao sa bansa, ang nabigyan ng CO­VID-19 vaccine mula sa Chinese pharmaceutical firm na Sinopharm, at kabilang dito ang mga military at pulis.  (Daris Jose)

Other News
  • Pagpapakawala ng tubig ng dams dapat kontrolin ng NDRRMC – Año

    Ipinanukala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na dapat ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na lamang ang kailangang magdesisyon sa pag-aapruba sa mga dam kung dapat ba ang mga itong magpakawala ng tubig sa panahon ng kalamidad. Ito ang siyang sinabi ng kalihim sa isang […]

  • Mga NBA players na COVID-19 positive, umaasang makakalaro pa rin sa season restart

    Kampante ang mga karagdagang NBA players na dinapuan kamakailan ng coronavirus na makakapaglaro sila sa oras na magpatuloy nang muli ang 2019-20 season sa susunod na buwan.   Ayon kay Sacramento Kings forward Jabari Parker, maganda raw ang usad ng kanyang recovery matapos sumailalim sa self-isolation sa Chicago.   “Several days ago I tested positive […]

  • KASO NG OMICRON SUBVARIANT BA 2.75, NAITALA SA BANSA

    INIULAT  ng Department of Health (DOH) nitong Martes na naitala ng bansa ang mga unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.75 na kaso.     Sinabi i ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na ang unang dalawang kaso ng BA.2.75 subvariant ay parehong mula sa Western Visayas na aniya ay kapwa nakarekober na sa virus.   […]