• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang LGU sa Metro Manila sisimulan ng ipamigay ang cash assistance

Sisimulan na bukas Abril 6, 2021 ng ilang local government unit (LGU) ng Manila, Marikina, Navotas at Quezon City ang pamamahagi ng cash assistance.

 

 

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, makakatanggap mula P1,000 hanggang P4,000 ang bawat benepesaryo mula sa nabanggit na mga lugar.

 

 

Magugunitang naglaan ang gobyerno ng P23 bilyon bilang ayuda sa 22.9 milyon na benepesaryo ng NCR Plus ng ipatupad ang enhanced community quarantine na nagsimula noong Marso 29 at ito ay pinalawig ng Abril 11.

 

 

Majority sa mga alkalde ang nagkasundo rin na ibigay na lamang bilang cash ang nasabing ayuda kaysa sa panukalang in kinds. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • NAG-VIRAL NA TRAFFIC ENFORCER, PINARANGALAN

    PINARANGALAN ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang isang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na nag-viral matapos itong saktan ng isang babaeng motorista.   Ang nasabing personnel ay kinilalang si Marcus Anzures na kung matatandaan ay ilang beses sinaktan ng sinita nitong si Pauline Mae Altamirano alyas Maria Hola dahil sa paglabag […]

  • Pormal na dayalogo sa isyu ng nurses shortage sa government hospitals, gawin

    HINIKAYAT  ng chairman ng House Committee on labor and employment ang pagsasagawa ng dayalogo upang matugunan ang kakulangan sa nurses sa mga government hospitals sa bansa.     Ayon kay Rizal Rep. Fidel Nograles, chairman ng komite na una dapat magsagawa muna  ng dayalogo at magbuo ng istratehiya para mabigyan ng long term solution ang […]

  • 20-M mga Pinoy, walang kakayahang magpakabit ng internet – study

    AABOT  sa 20 milyong mga Pilipino ang nagsabing wala silang kakayahang mag-avail ng internet nang kahit 1 gigabyte lamang kada buwan.     Ito ang resulta ng isang pag-aaral na isinagawa ng World Data Lab on the Internet Poverty Index kung saan sumampa sa pang-16 na puwesto ang Pilipinas sa 166 na mga bansa na […]