Implementing Rules and Regulation ng Maharlika Investment Fund ipinasuspinde muna ni PBBM
- Published on October 19, 2023
- by @peoplesbalita
NAGLABAS ngayon ang Malakanyang ng memorandum circular mula sa office of the Executive Secretary para sa pagsuspinde sa implementing rules and regulations o IRR ng Maharlika Investment Fund Act of 2023.
Ang memorandum ay batay sa kautusan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos jr na suspendehin muna ito pending futher study o habang patuloy na pinag aaralan.
Nais din ng chief executive na malinaw na mailatag muna ang mga safeguard para maging bukas ito o transparent at magkaroon ng pananagutan o accountability.
Ang nasabing memorandum ay ipinarating ni Executive Secretary Lucas Bersamin para kay Bureau of Treasury Officer-in-Charge Sharon Amanza, President and Chief Executive Officer Lynette Ortiz ng Land Bank of the Philippines (LBP), at President and Chief Executive Officer Michael de Jesus ng Development Bank of the Philippines (DBP).
Ang memorandum ay pirmado ni Bersamin na may petsang October 12.
Samantala, imbes na isuspinde lang, tuluyang ipinababasura ng progresibong ACT Teachers party-list kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund (MIF).
Ibinalita kasi ngayong Miyerkules ang biglaang pagsuspindi ni Bongbong ang pagpapatupad ng implementing rules and regulation (IRR) ng naturang batas.
“With reference to the IRR of [Republic Act] No. 11934, and upon the directive of the President [Marcos], the Treasurer of the Philippines, in coordination with the [Land Bank of the Philippines] and [Development Bank of the Philippines], is hereby DIRECTED to suspend the implementation of the IRR of RA No. 11954,” ayon sa memorandum na ipinadala ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong ika-12 ng Oktubre.
“[This is] pending further study thereof, and to notify all concerned heads of departments, bureaus, offices and other agencies of the executive department, including [Ggovernment-owned and controlled corporations], of such action.”
Idinirehe ni Bersamin ang naturang memo kay Bureau of the Treasury officer-in-charge Sharon Almanza, LDP president at chief executive officer Lynette Ortiz at DBP president at CEO Michael de Jesus.
Pinangangambahan nang maraming sektor ang pagpapatupad ng naturang batas sa takot na maaabuso ito o hindi kaya’y uubos sa pensyon ng karaniwang tao oras na malugi.
Makakukuha ang Maharlika Investment Crop. ng hindi bababa sa P75 bilyon sa paid-up capital ngayon 2023. Nangangahulugan ito ng P50 bilyon mula sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines, na parehong bangko ng gobyerno.
Maglalagak din ng P50 bilyon dito mula sa dibidendo ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Kasama ring pagkukunan ang share ng gobyerno sa state-owned Philippine Amusement and Gaming Corp.
Bubuuin ang capital stock ng P500 bilyon, bagay na hinati sa 5 bilyong shares sa presyong P100. Bubuuin ito ng 3.75 bilyong common shares, katumbas ng P375 bilyon, at 1.25 bilyong preferred shares (P125 bilyon).
Sa kabila nito, sinabi ni House Deputy Minority leader at Rep. France Castro (ACT Teachers party-list) na tila minadali at “flawed” ang desisyon ni Bongbong na suspindihin ang pagpapatupad ng batas.
“It would be better if Pres. Marcos Jr. just scrapped the whole Maharlika law rather than just suspend it,” wika ni Castro ngayong Miyerkules.
“As Bayan Muna executive vice-president Carlos Isagani Zarate said last week ‘the Marcos administration placed in grave danger the [LBP] and the [DBP] respective capitals after the twin state-run depositary banks were required to finance the creation of the Maharlika Investment Fund (MIF).”
Paliwanag daw kasi ng Bayan Muna, nakaaalarma na mailalagay sa alanganin ang fiscal health ng mga naturang financial institutions dahil sa pagkahumaling sa ideya ng pagtatayo ng sovereign wealth fund.
Dagdag pa ng deputy minority leader, sablay na raw talaga ang Maharlika funds sa simula’t sapul lalo na’t wala naman daw sobrang pondo ang gobyerno para rito.
Una nang sinabi ni Bongbong na layunin ng RA 11935 na makabangon sa epekto ng pandemya.
“[M]ula pa sa pera ng bayan ang ipopondo dito sa halip na gamitin sa mga batayang serbisyo para sa mamamayan… maski ang pagsertipika dito as urgent ay di sumunod sa proseso… Mga appointee pa din ng pangulo ang mamamahala dito at bukas ito sa korapsyon,” dagdag pa ni Castro.
“Malinaw na mas maraming problemang idudulot ang Maharlika fund at walang garantiya ang benepisyo, mabuti pang ibasura na ito habang maaga pa.”
Setyembre lang nang hilingin ng Bayan Muna sa Korte Suprema na ideklarang labag 1987 Constitution ang batas lalo na’t minadali raw ang pagpapatupad nito sa pamamagitan ng “presidential certification of urgency.” (Daris Jose)
-
Boxer Carlo Paalam pasok na rin sa round-of-16 matapos idispatsa ang pambato ng Ireland sa men’s flyweight
Lumakas pa ang pag-asa ng Pilipinas na podium finish sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics matapos pumasok na rin sa round-of-16 ang Pinoy boxer na si Carlo Paalam sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics. Ito ay makaraang talunin niya nitong umaga ng Lunes sa kanyang debut game sa flyweight division ang pambato ng Ireland na […]
-
Tuloy lang sa ensayo Pacquiao dedma sa demanda!
Ipinagkibit-balikat lang ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang demanda ng Paradigm Sports dahil nakasentro ang kanyang atensiyon sa pukpukang ensayo para sa kanyang August fight. Tuloy lang sa training camp si Pacquiao kung saan nagpost pa ito sa kanyang social media accounts ng ginagawa nitong workout kasama si trainer Buboy Fernandez. […]
-
Metro Manila pinakatalamak ang kawalang trabaho
Hindi lang numero uno sa COVID-19 cases ang National Capital Region (NCR). Ito rin ang may pinakamataas na unemployment rate sa lahat ng rehiyon ng Pilipinas. “Ang NCR ay naitayang may pinakamataas na unemployment rate na nasa 15.8 percent, samantalang ang [Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao] ang may pinakamababa na nasa 3.8 percent […]