• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

INAGURASYON NI PBBM, KASADO NA

KASADO na ang paghahanda ng Manila Police District (MPD) katuwang ng ilang ahensya ng gobyerno para sa inagurasyon ni  President Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Ayon kay MPD Director Brig. Gen.Leo Francisco, nasa final phase na at okay na lahat ng paghahanda para sa ipapatupad na seguridad sa inagurasyon.

 

 

“Final phase na at all sysytems Go na”, tugon ni Francisco sa viber message.

 

 

Katuwang ng kapulisan ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na una ng inayos ang mga kalsada sa paligid ng National Museum gayundin ang pagsasa-ayos ng kapaligiran katuwang ang MMDA.

 

 

Maging ang mga tauhan ng Meralco ay nagsagawa na rin ng reconductoring upang masiguro na walang magiging problema ang suplay ng kuryente sa araw ng inagurasyon sa June 30.

 

 

Kaisa rin sa naghahanda ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard, Philippine Navy, Philippine Army, PNP, Philippine Air Force at Philippine Marines para sa gagawing rehearsal simula ngayong araw.

 

 

Mahigpit naman ang pagbabantay ng mga tauhan ng PNP sa paligid ng National Museum kasabay na rin ng ilang mga kalsada na isinara sa motorista para sa inagurasyon ni Marcos Jr.

 

 

Dahil sa mga isinarang kalsada partikular sa may bahagi ng Lagusnilad patungong Taft avenue at Roxas Blvd. patungong Finance Road ay unti-unti na ring nakakaranas ng pagsisikap ng daloy ng trapiko. (GENE ADSUARA)

Other News
  • SBP doble kayod sa paghikayat sa FIBA para maglaro sa Gilas si Clarkson

    Patuloy ang ginagawang pakikipag-usap ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) sa mga opisyal ng FIBA para makuhang makapaglaro sa Gilas Pilipinas si NBA Filipino-American player Jordan Clarkson.   Sinabi ni SBP President Al Panlilo, nais nilang ipabasura sa FIBA ang pag-require sa mga atleta na dapat mag-secure sila ng passport sa edad 16 bago maging […]

  • ‘Mga detalye ng nilulutong Mikey Garcia-Pacquiao bout, malalaman sa mga susunod na araw’

    Inaasahan umanong malalaman na sa mga susunod na araw ang detalye ng pinaplantsang bakbakan sa pagitan nina American welterweight contender Mikey Garcia at Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao.     Ayon kay Garcia, posibleng ilabas na raw sa mga susunod na araw ang petsa at lokasyon ng magiging laban nila ng Fighting Senator.   […]

  • South Commuter Railway Project, makalilikha ng 3,000 job opportunity

    SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tinatayang may 3,000 job opportunity ang aasahan sa pagsisimula ng  South Commuter Railway Project (SCRP) sa  North-South Commuter Railway (NSCR) System.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa  isinagawang contract signing ng SCRP  ng NSCR System for the Contract Packages S-01, S-03A at S-03C sa Palasyo […]