• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Int’l Day of Education: CHR, nanawagan ng proteksyon vs abuso sa mga estudyante

Nananawagan ng Commission on Human Rights (CHR) ng mahigpit na proteksyon sa mga kabataan kasabay ng paggunita sa International Day of Education  noong Enero 24.

 

 

Ikinabahala ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia ang lumalalang epekto ng pandemya sa higit 28-milyong kabataang estudyante sa bansa.

 

 

“The third International Day of Education comes in the wake of a pandemic that has left an unprecedented number of individuals without access to education, as well as the widespread interruption of literacy and learning programs that has affected the lives of 1.6 billion students in all over the world. “

 

 

Ayon kay De Guia, habang patuloy na lumalala ang sitwasyon na dulot ng pandemya, nalalagay din sa alanganin ang kalagayan ng mga estudyante.

 

 

Kabilang na raw dito ang ulat tungkol sa “Christmas sale” o bentahan ng malalaswang larawan at videos online ng ilang mag-aaral para lang maka-agapay sa gastusin ng distance learning.

 

 

Batay sa datos ng Department of Justice (DOJ), umabot sa 260% ang itinaas ng mga kaso ng “online sexual exploitation of children” sa kasagsagan ng lockdown.

 

 

Ayon naman sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), lumobo sa P113-million ang mga transaksyong may kinalaman sa child pornography materials sa unang bahagi pa lang ng 2020.

 

 

Mas mataas mula sa P65.8-million na naitala noong 2019.

 

 

“The Commission calls upon the Department of Education (DepEd) and schools to continue to ramp up the efforts of Child Protection Committees (CPC) tasked to identify cases of child abuse.”

 

 

“The National Telecommunications Commission (NTC) should equally remain vigilant in ensuring that Internet Service Providers (ISPs) block access to all websites carrying child pornography materials. Failure of ISPs or reluctance to comply to measures that combat online sexual exploitation of children must be sanctioned.”

 

 

Giit ng CHR, obligasyon ng estado na protektahan mula sa kahit anong anyo ng abuso ang mga kabataan. Kaakibat nito ang pagsisiguro na naipapaliwanag sa kanila ang kanilang karapatan; at tulong mula sa mga guro at magulang.

 

 

“Teachers should also be given support. As teaching shifts heavily to online means, government must ensure that communication allowances to teachers are provided or reimbursed in a timely manner.”

 

 

“For those pursuing learning offline due to limits in internet connectivity, the delivery of modules should be done more efficiently without compromising teachers’ safety towards guaranteeing that every child with no access to the internet is not deprived of education.”

 

 

Isinusulong ng ahensya ang inihain na panukalang batas sa Senado na naglalayong bigyan ng tamang edukasyon tungkol sa kanilang karapatan at paglaban sa abuso ang mga kabataan.

Other News
  • Ilang lugar sa Luzon, mawawalan ng supply ng kuryente

    Mawawalan ng supply ng kuryente ang ilang lugar sa Luzon ngayong linggong ito bunsod na rin nang ikinasang mga pagkukumpuni ng Manila Electric Company (Meralco).   Ayon sa Meralco, sisimulan nila ang pagkukumpuni sa Setyembre 8, Martes, hanggang sa Setyembre 12, Sabado.   Nabatid na kabilang sa mga maaapektuhan nito ay ang ilang lugar sa […]

  • KRIS at BIMBY, nagpaalam na kay JOSH dahil sa Tarlac talaga gustong tumira; magkapatid, nagkaroon ng mahabang tampuhan

    NAGPAALAM na ang mag-inang Kris Aquino at Bimby kay Josh.     Hindi na nga sila magkakasamang tatlo sa isang bahay dahil mas gusto na talaga ni Josh na sa Tarlac manirahan.   Nag-goodbye na sila kay Josh noong Miyerkules at iniwan na ‘to sa Tarlac. Birthday ni Josh sa June 4, so ewan lang […]

  • Roque at Galvez, sanib-puwersa sa pagsopla kay Leachon

    NAGSANIB-puwersa sina Presidential Spokesperson Harry Roque at Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. para soplahin si dating NTF Adviser Dr. Tony Leachon makaraang sabihin nito na naniniwala siyang dapat nang i-abolish ang Inter-Agency Task Force (IATF) dahil sa umano’y ilang desisyon nito na walang scientific basis.   “Ang tanong ko ke Dr. Tony Leachon, sir […]