IPs, LGUs kasama sa Kaliwa Dam talks sa gitna ng kritisismo
- Published on April 8, 2022
- by @peoplesbalita
TINUKOY ng Malakanyang na kasama ang mga indigenous people’s groups at local government units (LGUs) sa negosasyon para sa pagsisimula ng Kaliwa Dam project sa Quezon at Rizal province.
Ang pahayag na ito ni acting presidential spokesperson Martin Andanar ay matapos na umapela ang grupong Kababaihang Dumagat ng Sierra Madre kay presidential bet Vice President Leni Robredo at running mate Senator Francis “Kiko” Pangilinan na itigil ang proyekto.
“We assure that the Kaliwa Dam project undergoes due process and that all stakeholders including the indigenous people and the concerned local government units are involved in the negotiations,” ayon kay Andanar.
Aniya pa, prayoridad ng administrasyong Duterte ang national interest at ang mapakikinabangan ng mga Filipino mula sa Kaliwa Dam project.
Sa ulat, nagpalabas ng apela ang mga Dumagat leaders habang tinintahan naman ng team ni Robredo ang isang covenant kasama ang IP communities na naglalayong protektahan ang kanilang karapatan kabilang na ang national census at konsultahin ang mga ito ukol sa proyekto ng pamahalaan.
Bilang tugon, sinabi ni Robredo na mabigyan lamang siya ng pagkakartaon na maging Pangulo ng bansa, titiyakin niya na ang government policies ay magtataas sa kalidad ng buhay ng mga IPs.
Sa ulat, may P12.2-billion China-funded project ay magsisilbing karagdagang mapagkukuhanan ng tubig para sa mga residente ng Kalakhang Maynila at kalapit-lalawigan sa gitna ng palaging banta ng water shortage lalo na ngayong summer months.
Nauna rito, nakapagtala naman ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ng 400 indibiduwal mula sa 55 barangays na maaapektuhan ng konstruksyon. (Daris Jose)
-
Paghatol kay Abdullah pinuri ng BI
PINURI ng Bureau of Immigration (BI) ang paghatol kay Kenyan national Cholo Abdi Abdullah sa New York. Si Abdullah ay dineport mula sa Pilipinas noong 2020 matapos maaresto ng an alleged operative of the terrorist group al-Shabaab, had been deported from the Philippines in 2020 after his arrest by BI intelligence officers and Anti-Terrorist […]
-
Mga bagets, mabibigyan ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines
TINIYAK ng Malakanyang na mabibigyan ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines ang mga teenager o mga bagets sa oras na maging available na ang suplay. Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na ihayag ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) na nakatakdang i- modify o baguhin ang emergency use authorization (EUA) […]
-
Standing ng Pilipinas ukol sa estado ng pagtugon nito sa COVID-19, patuloy na gumaganda ayon sa WHO
IPINAGMALAKI ng Malakanyang ang patuloy na paglayo ng Pilipinas sa listahan ng mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming naitalang active cases, bilang ng namatay at iba pang datos na may kinalaman sa pandemya. Base sa ipinresentang datos ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasa ika- 32 na ang Pilipinas mula sa pagiging ika- […]