James malapit ng malampasan ang record ni Kareem Abdul-Jabbar
- Published on January 17, 2023
- by @peoplesbalita
Naging pangalawang manlalaro si LeBron James ngayong Linggo (Lunes sa Manila) sa kasaysayan ng NBA na umiskor ng mahigit 38,000 puntos, kasama si Kareem Abdul-Jabbar sa isang elite club.
Naabot ni James ang milestone sa laro ng Los Angeles Lakers laban sa Philadelphia 76ers.
Sumalpak ang apat na beses na NBA Most Valuable Player ng isang jump shot mula sa tuktok upang maabot ang 38,001 puntos sa kanyang kumikinang na karera.
Hinahabol ng “King” ang all-time NBA scoring record na hawak ni Abdul-Jabbar, na may kabuuang 38,367 puntos sa kanyang sariling maalamat na karera.
Sa pagpasok ng laro noong Linggo, si James ay nag-average ng 29.0 points sa 50.3% shooting para sa Lakers.
Isang four-time champion, si James ay may career average na 27.2 points, 7.5 rebounds, at 7.3 assists kada laro. (CARD)
-
Maricel, happy and speechless dahil ‘di pa rin makapaniwala: Sister ni DONNY na si ELLA, engaged na sa non-showbiz bf
MUKHANG mauunahan si Donny Pangilinan ng kanyang sister na si Ella na mag-asawa dahil engaged na ito sa non-showbiz na si Enrique Miranda. Pinost ni Ella ang special moment na ito sa Instagram at tinawag niya itong “Best Christmas present ever.” Unang natuwa ay ang kanyang mom and dad na sina […]
-
South Commuter Railway Project, makalilikha ng 3,000 job opportunity
SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tinatayang may 3,000 job opportunity ang aasahan sa pagsisimula ng South Commuter Railway Project (SCRP) sa North-South Commuter Railway (NSCR) System. Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang contract signing ng SCRP ng NSCR System for the Contract Packages S-01, S-03A at S-03C sa Palasyo […]
-
PDU30 inako na siya ang sisihin sa kakulangan ng bakuna sa unang bahagi ng 2021
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na siya ang dapat sisihin sa mababang suplay ng COVID-19 vaccines sa unang bahagi ng taon. Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, inamin ng Chief Executive na mahirap makakuha ng sapat na suplay ng bakuna dahil walang manufacturing company sa bansa. “Kung mayroon mang […]