Japan naghigpit sa mga atleta na mula sa mga bansang may mataas na kaso ng COVID-19
- Published on June 30, 2021
- by @peoplesbalita
Hinigpitan ng Japan ang ilang atleta na manggagaling sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19.
Kinabibilangan ito ng mga atleta na galing sa India, Nepal, Pakistan, Sri Lanka, Maldives at Afghanistan na may naitalang mataas na kaso ng Delta variant.
Nakasaad sa plano na kailangan na mag-swab test ang mga ito ng araw-araw sa loob ng pitiong araw.
Dati kasi ay dalawang beses lamang sila magpa-swab test bago ang kanilang pagpunta sa Tokyo.
Isinagawa ang paghihigpit matapos na magpositibo sa Delta variant ang isang atleta mula sa Uganda.
-
Bagong hawa ng COVID-19 sa Pilipinas nasa 1,414, kaso iniakyat sa 564,865
Pumalo patungong 564,865 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease sa Pilipinas ngayong Martes sa muling paglobo ng arawang kaso sa 1,414. Nakikipagbuno pa rin naman ngayon sa sakit ang nasa 29,817 sa bansa, o ‘yung mga “aktibong kasong” ‘di pa gumagaling o namamatay. Nasa 16 naman ang bagong ulat […]
-
P1.65-B supplemental budget laban SA COVID-19
LUSOT na sa House Committee on Appropriations ang P1.65 billion supplemental budget para sa gagawing hakbang sa pagharap sa problema sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Sa pagdinig ng komite, natukoy na P3.1 billion ang kakailanganing pondo ng Department of Health (DOH) para panlaban sa COVID-19. Sinabi ni Health Usec. Roger Tong-an, […]
-
PAGTAAS NG KASO NG COVID-19, HINDI SECOND WAVE SA PINAS
HINDI pa rin maituturing na ‘second wave’ ang nararanasang panibagong pagtaas ng kaso ng Covid-19 ngayon dahil hindi pa tuluyang napababa ang kaso o na-flatten ang curve, ayon sa World Health Organization (WHO). Sa virtual Kapihan session ng Department of Health (DOH) sinabi ito ni WHO Philippine representative Dr Rabindra Abeyasinghe kung saan […]