Jaylen Brown, Boston pinahiya Brooklyn sa sariling teritoryo
- Published on December 6, 2022
- by @peoplesbalita
NAGSUMITE ng double-double sina Jaylen Brown at Jayson Tatum at pinutulan ng Boston ng four-game win streak si Kevin Durant at Brooklyn via 103-92 win nitong Linggo sa Barclays Center.
Pero hindi raw ang 34 points, 10 rebounds ni Brown at 29-11 ni Tatum ang susi sa panalo.
“Our defense definitely won us the game tonight, no doubt about that,” giit ni Tatum.
Nagawa nila ‘yun kahit wala si Defensive Player of the Year Marcus Smart (bruised left hip).
Nilatag ng 20-point outburst ni Brown sa first quarter ang ratsada ng Celtics bago binulabog sa six turnovers ang Nets sa final period.
Umiskor ng 31 si Durant pero inari ang walo sa 17 turnovers ng Brooklyn.
Nagdagdag ng 18 points si Kyrie Irving na malamyang 7 of 21 lang sa field.
Abante lang ng dalawa ang Celtics nang magsalpak ng 3 si Al Horford bago binutata si Durant na nagresulta sa fastbreak dunk ni Brown, 85-76. (CARD)
-
Nag-alala na baka nasaktan sa eksena nila: MIKE, na-shock nang malamang buntis pala si JENNYLYN
FIRST time palang makakasama ni Mike Tan si Jennylyn Mercado sa isang teleserye. Kahit na raw matagal na silang nagkakasama sa ibang shows at nakagawa pa sila ng pelikula (‘Lovestruck’ in 2005), never pa raw silang nagsama sa teleserye. Kaya happy ang StarStruck season 2 Ultimate Male Survivor na ka-love triangle […]
-
Kelot na-curfew nagbigay ng maling pangalan, kalaboso
Lalong nabaon sa asunto ang isang 30-anyos na lalaki na nagtangkang umiwas sa pagbabayad ng multa sa pamamagitan ng pagbibigay ng maling pangalan makaraang mahuling lumabag sa curfew sa Navotas city. Sa ulat na tinanggap ni Acting Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, sinita ng mga tauhan ng Navotas police si Andrew Fernandez, […]
-
Order na bakuna na Astrazeneca ng mga LGU, sa isang taon pa darating
SINABI ng Malakanyang na posibleng sa isang taon pa darating ang bultong order ng pamahalaan na UK made vaccine na Astrazeneca. Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng inisyatibo ng maraming lokal na pamahalaan na pondohan na din ang pag-angkat ng bakuna na karamihan sa preferred brand ay Astrazeneca. Sa 2022 […]