• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JM, nanahimik dahil naging abala sa walong buwan na military training

TSINUGI na sa cast ng GMA teleserye na Owe My Love si Mystica dahil diumano sa attitude problem nito.

 

Ayon sa production, marami raw demands si Mystica at sunud- sunod ang kanyang reklamo sa lock-in taping schedule, sa pagkain at pati ang kasama niya sa kuwarto na si Kiray Celis ay pinag-initan niya. Nireklamo rin niya ang pagtanong sa kanya ng komedyanteng si Divine Tetay kung lasing daw ba siya?

 

Sey ni Mystica sa kanyang vlog: “Bakit ang isang artista, pag nagtanong o kaya gusto niya na maiklaro, and then you would ask her, ‘Are you drunk?’ That was the greatest insult sa akin po.”

 

Claim din ni Mystica na siya raw ang nag-back out sa teleserye at hindi siya tsinugi.

 

“I have been in showbusiness for 20-years but this is the only time I have felt that I have been treated unfairly and unjustly!” patuloy na emote ni Mystica.

 

Naglabas naman ng sagot ang mga taong may kinalaman sa production ng Owe My Love sa mga reklamo ni Mystica. Lalo na sa issue na hindi raw tama ang pagtrato sa kanya.

 

Wala raw katotohanan na hindi alam ni Mystica na lock-in tap- ing ang teleserye.

 

“Prior to the scheduled lock- in taping, all artists were already informed about the set-up as well as their room arrangements – to which Mystica did not bring up any concerns. She entered the lock-in taping on November 16.”

 

Tungkol naman sa pagiging roommates nila ni Kiray, ito ang sagot nila kay Mystica.

 

“With regard to her sharing the room with Kiray, this was communicated to her in advance as well. The door of their room was clearly labeled with the name of the assigned occupants—Kiray and Mystica. Kiray entered the lock-in taping on November 19, three days after Mystica. But that same night at 11pm, Mystica complained and demanded that she be given her own room.

 

“Due to the lateness of the hour, production could not accommo- date this immediately. But the following morning (November 20), she was transferred to her own room.”

 

Tungkol naman sa hindi raw magandang pagtrato sa kanya sa taping, ito ang sagot ng production…

 

“There is also no truth to Mystica’s claim that she was “taken for granted.” As part of the house rules, food is usually brought to the assigned area where artists are on standby. But upon request, this can also be delivered to the artist. Mystica was informed on Saturday that breakfast will be at the Artists’ tent in the shoot location, not at the hotel where she was billeted. She was also informed that her breakfast was for pick up from one of the standby tents. She complained about this set-up so the next day, two production staff were assigned to bring the meals to her.”

 

Na-violate din daw ni Mystica ang safety protocols ng lock-in taping.

 

“Mystica violated the program’s safety protocols last November 22 when she told the guard at the resort to allow her son to drive inside the premises. He got out of the vehicle and personally handed Mystica some groceries. This was done without the program’s permission.”

 

Dahil sa violation na ito, sinabihan nila si Mystica na kailangan niyang umalis sa lock-in taping at hindi na siya kasama sa cast.

 

“As a result of this serious breach of protocol, the program decided to ask Mystica to leave the lock-in taping on November 23. But when the show’s Executive Producer met with her that morning, she was already packed and ready to leave. The production assisted her until she left at around 8:30 am.”

 

Ginagawa raw ng network ang lahat ng paraan para maging kumportable ang mga artista sa lock-in taping.

 

“Owe My Love is doing its best to help make all artists comfortable but it also continues to strictly adhere to the protocols set by GMA Network as well as the concerned government agencies to ensure the safety and well- being of all its artists and production staff.”

 

Hindi na raw bago sa marami ang pinakitang ugali ni Mystica kapag may trabaho ito. Ang attitude problem niyang ito ang naging dahilan kung bakit bigla rin siyang tinanggal sa ABS-CBN teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano noong nakaraang taon.

 

*****

 

KAYA pala tahimik ang aktor na si JM De Guzman dahil naging abala ito sa kanyang training bilang military reservist training sa ilalim ng Philippine Air Force Reserve.

 

Walong buwan na dumaan sa military training ang aktor.

 

Noong nakaraang November 22, nag-share ang 32-year-old actor ng ilang photos sa social media ng kanyang basic citizens military training kunsaan tumanggap siya ng certificate.

 

Post ni JM sa Instagram: “Sgt. Juan Miguel de Guzman PAFR (Philippine Air Force Reserve). Finally, after eight months, I finished my Philippine Air Force Special Basic Citizen Military Training CL-2020 (lectures, drills, and rigorous simulations and training) of the Air Force Reserve Command conducted by 1st Air Reserve Center.”

 

“I learned a lot about myself, character, and gained a lot of wisdom in this training. As a reservist, I am ready to serve my country, help those in need of help, or in the dark (as cliché as it may sound) because I needed help be- fore and was also in the dark too — I know how it feels like.

 

“I am blessed and graced to stand up again and make things right. Now is the time for me to give back. It will be easier for me to do this with the guidance and support of our astig regular soldiers.

 

“At siyempre, ang sinumpaang tumulong protektahan ang Inang Bayan.”

 

Kabilang na si JM sa mga local celebrities na military reservists tulad nila Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Ronnie Liang, Matteo Guidicelli at Winwyn Marquez. (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • P52.1-M relief assistance naibigay na sa mga biktima ng bagyong Ulysses – DSWD

    Umaabot na sa P52.1 million ang relief assistance ang naipagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng bagyong Ulysses.   Sinabi ni DSWD Sec. Rolando Bautista, naipamahagi ang mga tulong partikular ang food at non-food items sa regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, region 5, Cordillera Administrative Region (CAR) at […]

  • SUPPLIER NG PARTY DRUGS NATIMBOG NG PDEA AT

    HULI ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa umanong supplier ng party drug na ecstacy. January 13, 2021 nang ikasa ang operasyon laban sa suspek na si Jhun Cabaya alias SkyHigh 33 years old na mula sa Manggahan, Pasig.   Dakong alas 5:20pm nang matimbog si alyas SkyHigh ng […]

  • Panahon na para rebyuhin ng Kongreso ang oil deregulation law- Malakanyang

    PARA sa Malakanyang, panahon na para rebyuhin ng Kongreso ang oil deregulation law.     Kasunod ito ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis at global supplies na tinamaan ng nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine.     Sa isang panayam, sinabi ni Acting Cabinet Secretary Melvin Matibag na nakatakdang talakayin […]