• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JUANCHO, nahirapan nang biglang nawalay sa kanyang mag-ina na sina JOYCE at ELIAM dahil sa lock-in taping

NAGING mahirap daw para kay Juancho Trivino ang malayo sa kanyang mag-ina noong mag-lock-in taping siya para sa teleserye na Little Princess.

 

Ilang months pa lang daw ang baby nila ni Joyce Pring na si Eliam nang mawala siya for almost two months para magtrabaho.

 

“Nakakalungkot na bigla akong nawalay sa baby namin ni Joyce. Pero kailangan ko ring mag-work and this is one of the sacrifices I have to do for my family in the new normal.

 


      “Naging constant naman ang pag-video call namin ni Joyce and nakakausap ko si Eliam through that. Kaya noong matapos na ang taping namin, I was excited to see my wife and baby. Pero nag-quarantine pa ako ng ilang days para mas maging safe ako pagniyakap ko na ang mag-ina ko,” sey ni Juancho.

 

Ayaw daw ni Juancho na may ma-miss siyang mga gawin si Eliam kaya as much as possible, priority nito ang kanyang pamilya.

 

“Nagkakaroon na ng muwang ng paunti-unti yung anak ko kaya nae-excite ako, kasi siyempre ito yung year of firsts kaya kaming dalawa ng wife ko, we just want to be there for Baby Eliam.”

 

***

 

KINASAL na ang Kapuso actor na si Kevin Santos sa kanyang fiancee na si Raphee delos Reyes.

 


      Noong January 5 naganap ang wedding nila sa isang hotel sa Alabang, Muntinlupa.

 

Limited nga raw ang kanilang mga bisita dahil sa pagsunod sa bagong COVID-19 guidelines.

 

Bukod sa pamilya nila ng kanyang wife, ilang malalapit na kaibigan lang nila ang nakasaksi ng kanilang pag-iisang dibdib.

 

Kabilang na rito ang kapwa niya Daddy’s Gurl actor na si Oyo Sotto at ang asawa nitong si Kristine Hermosa. Nakadalo rin sa wedding si Chichirita na kasama rin ni Kevin sa nasabing sitcom.

 

 

Ayon sa aktor, dalawang taon pa lamang ang kanilang relasyon ngunit napagkasunduan na nilang magpakasal dahil na rin sa kanilang mga edad.

 

Matapos ang kanilang wedding ay balik-LDR o long-distance relationship na naman ang dalawa upang maipagpatuloy ni Raphee ang kanyang trabaho bilang isang nurse sa Sydney, Australia.

 

Isa namang licensed private and commercial pilot si Kevin.

 

 

***

 

PUMANAW na sa edad na 94 ang kauna-unahang Black actor na manalo ng Oscar Best Actor na si Sidney Poitier.

 

Sa kanyang tahanan sa Los Angeles pumanaw ang aktor at binigyan siya ng tribute ng Prime Minister of the Bahamas na si Clint Watson. Sa the Bahamas lumaki at nagkaisip si Poitier kahit na sa Miami, Florida siya sinilang.

 

Naging inspirasyon ng maraming Black actors in Hollywood si Poitier noong manalo itong best actor sa Academy Award noong 1963 for the film Lilies of the Field.

 


      Ilan pang great performances ni Poitier ay sa mga pelikulang The Defiant Ones, In The Heat of the Night, Guess Who’s Coming To Dinner, Porgy and Bess, A Patch of Blue, A Raisin In The Sun at To Sir With Love.

 

 

Dumaan sa matinding discrimation noong 1950’s and 60’s Hollywood si Poitier dahil limitado ang mga Black actors na binibigyan ng trabaho ng mga tinatawag na White-run studio. Ang kadalasan daw na roles para sa tulad niya ay servants, drivers at farmhands.

 

 

Pero nilabanan ng aktor ang sistema hanggang sa mabigyan ng pagkakataon ang maraming Black actors na magbida at mabigyan ng magagandang roles sa malalaking pelikula.

 

Sa isang interview with Oprah Winfrey in 2000, sinabi ng aktor: “It’s been an enormous responsibility. And I accepted it, and I lived in a way that showed how I respected that responsibility. I had to. In order for others to come behind me, there were certain things I had to do.”

 


      Sa kanyang 60 year career, Poitier was granted a knighthood by Queen Elizabeth II in 1974; received the Kennedy Center Honor in 1995; awarded the Presidential Medal of Freedom, the highest civilian honor in the United States in 2009; awarded the BAFTA Fellowship for outstanding lifetime achievement in film in 2016; received the Golden Globe Cecil B. DeMille Award in 1982 and in 2000, he received the Screen Actors Guild Life Achievement Award and was given an Academy Honorary Award, in recognition of his “remarkable accomplishments as an artist and as a human being.” in 2002.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Cimatu, positibo ang pananaw na masolusyunan ang lumalalang COVID cases Cebu

    Positibo ang pananaw ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, na sa kanyang bagong assignment ay masolusyunan ang lumalalang mga kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Cebu.   Sa isinagawang virtual press briefing ng IATF, sinabi ni Cimatu na bibisita ito sa ilang mga barangay sa Metro Cebu na may mataas […]

  • PRC, aminadong hindi madali ang pagsasagawa ng licensure examination sa gitna ng pandemya

    TINATAYANG umabot na sa 62 mula sa 101 scheduled licensure examinations ang naisagawa ng Professional Regulation Commission (PRC) noong 2021 kumpara noong 2020 na nasa 11 mula sa 85 examinations lamang.     Sa Laging Handa briefing, inamin ni PRC Chairperson Teofilo Pilando, Jr., na hindi naging madali ang pagsasagawa ng mga examinations sa nakalipas […]

  • Provincial poll supervisor ng Mindanao, itinalaga ni PDu30 bilang Commissioner ng Comelec

    ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang provincial poll supervisor ng Mindanao bilang commissioner ng Commission on Elections.   Ito ang nakasaad sa dokumento na ipinalabas, araw ng Huwebes, kulang-kulang dalawang taon  bago bumoto ang mga Filipino mg mga bagong lider ng bansa.   Napili ni Pangulong Duterte si  Atty. Aimee Ferolino-Ampoloquio bilang Comelec commissioner na […]