• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaligtasan ng fans vs COVID-19, una sa PBA

PINAKAUNA sa lahat para sa Philippine Basketball Association (PBA) ang kaligtasan ng mga manonood kaya tiniyak ng propesyonal na liga na nakalatag ang hakbang pangkaligtasan kapag nagbukas ang 45th season sa Linggo, Marso 8, sa likod ng coronavirus outbreak.

 

Inatasan ng PBA ang venues na ng bawat games na magkaloob ng medical supplies kagaya ng thermometer scan, hand sanitizer o alcohol para sa publikong miron.

 

Sa Araneta Coliseum ang pagbubukas ng Philippine Cup tampok ang nag-iisang laro ng defending champion San Miguel Beer at Magnolia sa rematch ng 2019 Philippine Cup finals.

 

“Yes, usapan na namin sa mga venue na sila ang magpo-provide nun (medical supplies),” bulalas kahapon ni commissioner Willie Marcial. “Malaking bagay ‘yun. Tayong mga Pilipino, nag-iingat din.”

 

Sa taunang pagpaplano sa Milan ilang linggo pa lang ang nakararaan, si Marcial din ang nagmungkahi na mula sa dating Mar. 1 na iskedyul ng opening, pinagpaliban ito ng isang linggo dahil sa Chinese virus.

 

“Na-suggest ko ‘yun na i-delay muna para malaman natin kung ano ang mangyayari. Sa tingin ko nakabuti naman,” dugtong ng opisyal, na umaning dahil sa postponement ay posibleng humaba ang season.

 

“Baka umabot kami hanggang February. Malaking bagay ‘yung isang linggo,” wakas komisyoner.
Pero walang kaso ito sa PBA, basta sa kaligtasan ng lahat. (REC)

Other News
  • ’Ibigay ang buong suporta kay incoming PNP chief Lt.Gen. Carlos’

    Nanawagan si outgoing PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng miyembro ng PNP na magkaisa sa likod ng magiging susunod na PNP Chief na si Lt.Gen. Dionardo Carlos.     Ayon kay Eleazar, taglay ni Carlos ang lahat ng qualification para sa pinaka mataas na posisyon sa PNP at nakita ng Pangulo sa kaniya […]

  • LEADER NG ONLINE PROSTITUTION SA KOREA, DINAKMA SA PAMPANGA

    INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa pago-operate ng online prostitution advertising site.   Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente ang ginawang pag-aresto kay Seo Jungnam, 41, sa Amor Riverside Anunas, Angeles City, Pampanga ng mga operatiba ng  BI’s Fugitive Search Unit (BI FSU).   […]

  • Marcial may dalawang misyon

    Dalawa ang tatargetin ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial sa kanyang susunod na pagsalang sa boksing.     Ito ay ang makuha ang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics at maging world champion sa middleweight division.     Ayon kay Marcial, hindi madali ang daang tatahakin nito. Subait handa ang Pinoy pug na […]