• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya palaging inaabangan ng kanilang fans: KIM at XIAN, kakaiba ang sweetness at mga pasabog

IBANG klase ang sweetness nina Kim Chiu at Xian Lim at talaga namang inaabangan na rin ng mga fans nila kung ano ang bagong pasabog na surprises ni Xian para kay Kim tuwing may okasyon.

 

 

Sa vlog ni Kim, inamin nito na sa lahat daw ng roses na binibigay sa kanya ng boyfriend, itinatabi raw niya ang ilang piraso sa isang cabinet at hinahayaan lang niya na maluma o mag-dry.

 

 

At saka humirit na, “’Yung mga roses naluluma, pero yung feelings ko, hindi.”

 

 

O ha! Napa-“ako rin” naman si Xian sa sinabi ni Kim.

 

 

At kung wala raw lock-in taping o work ang isa sa kanila, halos araw-araw raw silang nagkikita. At kung magkahiwalay naman sila, average na 20 times daw sila nagbi-video call sa buong maghapon.

 

 

Naaliw naman kami at baka bigyan ng ibang meaning ng iba ang sagot ni Xian sa tanong kung saan ang pinaka-kiliti ni Kim. Sabi kasi ni Xian, “Si Kim, hindi naman siya makiliti. Wala masyado.”

 

 

Pero sinundan ito ni Kim na, “Hindi kami nagkikilitian, naku!”

 

 

***

 

 

UMANI ng papuri ang aktres na si Cherry Pie Picache sa kanyang katapangan nang patawarin niya ang pumatay sa ina ilang taon na ang nakalipas.

 

 

Ngunit kahit na itinuturing bilang isa sa magandang halimbawa ng katapangan at radikal na pagmamahal, sinabi ni Picache na bilib siya kay Vice President Leni Robredo sa kanyang katapangan kahit pa inuulan ng batikos, pambabastos at fake news ng mahigit limang taon na.

 

 

      “Mayroon nga akong kilala, limang taon siniraan, binastos, winalanghiya, pero araw-araw pinili niya pa rin na gawin ang tama, iyong manindigan, mag-alaga na may pagkalinga at nang buong katapatan,” wika ni Picache sa isang video message.

 

 

      “Kaya may matapang sa akin. Si Leni Robredo iyon. Katapangan iyong piliin ang paninindigan, iyong pagsilbihan ang mga tao kahit sinaktan, iyong ipaglaban ang katotohanan kahit na alam mong mas makapangyarihan sa iyo ang babanggain mo,” dagdag pa niya.

 

 

Para sa actress, kabutihan ang pinakamataas na uri ng katapangan at personal niya itong nasaksihan kay VP Leni, na walang pagod na nagtatrabaho para sa taumbayan sa kanyang mga programa at plano.

 

 

      “Kabutihan ang pinakamataas na uri ng katapangan. At hindi madali iyon ha. Pero biyaya iyon para maisabuhay mo ito. Lahat iyon, nakita ko at patuloy na ipinapakita sa ating lahat ni Leni Robredo,” sey niya.

 

 

***

 

 

WALA pang latest posting or paramdam si James Reid ngayong nasa Los Angeles, U.S.A. na siya.

 

 

Ang huling balita pa rin ay ang naging Instagram post ng kanyang ama at tumatayong manager na si Malcolm Reid.

 

 

So, pinabulaanan nga ng Daddy/manager ni James na walang katotohanan ang balitang iiiwan na ng anak ang career sa Pilipinas at sa U.S. na makikipagsapalaran.

 

 

Sinabi nitong kaya lang pupunta ang anak sa LA ay para sa recording sessions nito at para na rin daw bisitahin ang kapatid na si Andrew.

 

 

Tinawag nitong basura at fake newsmakers ang nagsulat na sa U.S. na for good ang anak. “Anything else is basura—sorry to disappoint the fake newsmakers.”

 

 

Sa isang banda, parang hindi rin naman masisisi ni Mr. Reid kung may mga nagsulat na sa U.S. na ang anak dahil malamang na pinagbasehan lang din ang pa-farewell ng mga kapatid at ilang kaibigan kay James.

 

 

Eh, sa send-off party naman kasi na binigay nila kay James, parang for good na talaga itong mawawala, huh!

(ROSE GARCIA)

Other News
  • ANIM NA DISTRICT HOSPITAL NG MANILA LGU NASA “RED FLAG” NA

    HALOS okupado na ang anim na pampublikong ospital sa lungsod ng Maynila .   Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na  baka hindi na nila ito kayanin  ngunit tiniyak naman ng alkalde na agad nilang gagawan ng paraan ang nasabing sitwasyon  upang mabigyan ng karampatang lunas ang mga pasyente ng COVID-19 na nangangailangang ma-admit […]

  • French tennis player Benoit Paire, tinanggal sa US Open matapos magpositibo sa COVID-19

    Tinanggal sa listahan ng US Open player si Benoit Paire ng France matapos na ito ay magpositibo sa COVID-19.   Nakatakda sana nitong makaharap si Kamil Majchrzak ng Poland sa first round ng nasabing tennis tournament.   Dahil sa ito ay papalitan siya ni Marcel Granollers ng Spain.   Base sa natanggap na impormasyon ng […]

  • BEHOLD THE FIRST TRAILER OF BAZ LUHRMANN’S “ELVIS”

    WARNER Bros. Pictures has just unveiled the first trailer of “Elvis,” the new movie event from visionary filmmaker Baz Luhrmann.  Check out the trailer below and watch the film only in Philippine cinemas June 22.     YouTube: https://youtu.be/KAKR3Xej0Nk   Facebook: https://fb.watch/beej31ajLZ/   About “Elvis”   From Oscar-nominated visionary filmmaker Baz Luhrmann comes Warner Bros. Pictures’ drama “Elvis,” […]